Lhex's POV.
Pagkatapos namin mag dinner ay hinatid niya naman agad ako.. Nandito kami ngayon sa labas ng bahay namin..
"Pasok ka muna sa loob" sabi ko sa kaniya..
"No need.. pakisabi na lang na dumaan ako" nakasandal siya sa kotse niya.
"Sigee.. salamat sa pagsama and sa dinner" nahihiyang sabi ko sa kaniya.
"Hmm.." napalingon naman siya sa likuran niya.. at bigla siyang tumingin sa akin "Get inside.. and lock your gate" mahinahong sambit niya..
"Hmmm.. sigeee" pumasok ako sa gate namin.. and tiningnan ko siya na nandoon parin para tingnan ako.
"lock it and don't go out" may awtoridad na sabi niya.
wierd..
"hmm babye.. ingat ka"
"go on.."
Pumasok na rin ako sa pinto ng bahay at linock iyon.. narinig ko namang umandar ang sasakyan niya..
Nasa likod ako ng pinto na niyakap ang folder na hawak ko at napangiti.
hayssss! sana hindi natapos ang araw na to nakasama ko siya..
Ang hirap mag assume sa simpleng pagsasama namin kanina ay nabuhayan parin ang loob ko na ipagpatuloy ang makaabot sa section one.. Napailing ako at nilapag ko naman ang aking gamit sa couch..
"Maaaaa????" tawag ko rito.
"Nandiyaaan ka na pala Lhex!! oh ano.. ano?? nakuha ka ba?? yieeee" hinawakan niya ang dalawang kamay ko habang niyugyog iyon..
Umakto akong malungkot at umiling.. "Pasensya na Ma.. full time daw ang gusto nilang kinukuha.."
Pinakita naman ni Mama ang kaniyang pagngiti a hinaplos ang aking buhok.. Ganiyan si Mama pag may nakakalungkot na nangyari sa akin... "Nakuu!! hindi baliiii.. ipagluluto naman kita ng sinigang na bangus"
"P-po??? BANGUS??"
"A-huh! ang mahal kaya niyan hehehe buti na lang binigyan ako ng Tita Susan mo.. yung kapit bahay natin" tuwang tuwa na sabi niya.
"Salamat Ma.. pasensya na po kayo kung hindi ako natanggap ha?"
"Ano ka ba! huwag ka ngang umarte diyan! di bagay sayo yung malungkot Lhexien!!" nagulat ako sa sinabi niyang iyon.. "Okay lang na hindi ka makapasok at least buhay!" nabuhayan naman ako.. Akala ko talaga alam niyang nakuha talaga ako. Gusto ko tuloy tumawa sa reaksyon ni Mama.
"Mama.. paano na yan?"
"Anak.. hindi pa katapusan ng mundo okay?? habang buhay ka may pag'asa"
"Perooooo po!" nakangusong sabi ko.
"Magpahinga ka na nga doon.. maluluto na muna ako.." napangiti naman ako noong umalis siya at papuntang kusina. Pinagmasdan ko siya kung paano niya hinanda ang mga isda at gulay .. Sinuot niya ang kaniyang apron at nagsimulang hiwain ang mga gulay..
Ang swerte ko talaga..
Lumapit ako sa kaniya at nikayap siya at bahagyang nagulat siya.. Hinimas niya ang aking kamay na nakayakap sa kaniya at alam kong nakangiti siya at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
"Mama?"
"Hmm??"
"Thank you sa inyo ni Papa.. hindi ko alam kong anong gagawin ko kung wala kayo" malungkot na sabi ko..
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Roman pour Adolescents[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...