Chapter 76

3K 147 90
                                    

Lhex's POV.

Hanggang sa huling hantungan ng mga magulang ko ay di ko nakaligtaan ang umiyak, mas lalong kinukulong ako sa lungkot. Wala na sila. "Sigurado ka ba Hija na ibebenta mo ang bahay niyo?" nasa tapat kami ng bahay ng isang buyer.

Tiningnan ko ang bahay kung saan ay di ko makakalimutan ang alaala, kung doon ako titira ay mas lalong malulungkot lang ako. Hindi gusto ng pamilya ko ang nakikita akong nahihirapan, pagpapasok ako sa bahay ay mas lalong bumibigat lang ang dibdib ko.

"Hmm," sagot ko.

"hija? huwag kang magpadalos dalos," napalingon ako sa kaniya tsaka binigyan siya ng tipid na ngiti.

"buo na ang desisyon ko," 'yon ang huling salita na binitawan ko. Matapos ang pag-uusap na' yon, ay pumasok ako sa bahay.

Sobrang tahimik, nakakapanibago lang. Iiwan ko ang lahat ng gamit maliban sa mga litrato ng pamilya ko, at gamit ko. Magsisimula na akong magligpit ng mga gamit, di rin ako pumasok sa unang araw ng  University Week. Gustuhin ko man ay mas lalong di ko parin ma e-enjoy 'yon, dala dala ko ang isang malaking maleta palabas ng gate.

Binigay ko ang susi sa babaeng' yon, napatango ako at nagsimulang maglakad. "Where are you going?" napahinto ako at tiningnan lamang siya.

Hindi ko siya sinagot, "Vien," nagsusumamong tawag niya sa akin.

"Luiz, hayaan mo na ako." kalmadong sabi ko at nagsimulang maglakad na dala dala ang maleta.

"galit ka parin ba sa akin?" napahinto ako at nilingon siya.

"ilang ulit ko bang sabihin na di ako galit? At hindi ako nagagalit." humakbang siya palapit sa akin.

"then forgive me," malungkot na sabi niya.

"kaya kong di magalit pero di ko kayang agad agarang pagpapatawag, sa ginawa mo."

"I DON'T EVEN KNOW! KUNG ANONG NAGAWA KO VIEN PARA MAGKAGANIYAN KA!!" naisigaw niyang usal 'yon.

"Hindi ko rin alam anong nagawa ko para gawin mo' yun," mapait na sabi ko at tinitigan siya ng matalim.

"V-Vien,"

"Sa totoo lang gusto kong yakapin ka, tanggapin ka o balikan ka. Pero sa tuwing naghahanap ako ng chansa ay pinapaalala niya lang ang ginawa mo," tiningnan ko siya sa mata, gusto kong lumapit at suntukin siya.

"bakit di mo sabihin sa akin ang naga—"

"tangna naman LUIZ!" Naiinis kong sabi ko sa kaniya na parang sawang sawa na. "Kailangan ko bang sabihin sayo? na alam mo naman anong ginawa mo?! sa totoo lang!! Sa totoo lang!!" napasigaw ako.

Napapailing pa ako na di makapaniwalang nagr-replay sa akin, kung paano siya pumikit at emosyonal na nakikipaghalikan sa babaeng 'yun. "Paano mo nagawang halikan siya ng ganoon ka banayad?" nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata, ang di mapakaling emosyon kung paano siya makakasagot.

"y-you see..."

"kita mo na? Kung di ko makikita siguro hanggang ngayon ay nagpapakatanga parin ako, natanong ko sayo kung may nararamdaman ka pa sa kaniya. SO PAANO AKO?!" sigaw ko. "Na saan ako?" napapatanong ko siya. "ahhhh.. nakaratay sa hospital bed, habang niloloko niyo!"

"Vien di ko sina—"

Napailing ako habang napapatawa ng mahina, "kaya huwag mong sabihin na di mo sinasadya. Naisip mo ba ako noong hinalikan mo siya? naisip mo ba ako noong kasama mo siya, noong pinupuna niya ang oras na dapat kasama mo ko. Pero nasa hospital bed ako at nakaratay doon dahil sa ginawa ng mga kaibigan ko sa akin!!" galit na galit kong sigaw.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon