Lhex's POV.
HABANG naglalakad ako pauwi ay napansin ko ang kotse na nakapark sa di kalayuan ng parking lot ng Coffee Project. Pinagmasdan ko lamang 'yun at binalewala ng kalaunan. Lumabas ang inaasahan kong imahe, dahil nakikita ko' yun ang lagi niyang dala sa school na kotse.
"Lhexxx! Don't turn yourself back of me, bitch!" sa tono niyang lasing ay napapikit pa siya na sabihin niya sa akin 'yun.
"umuwi ka na," sagot ko.
Natawa naman siya, "Sino ka para sabihin sa akin kung kailan ako uuwi, o kailan hindi?" maarte niyang sabi.
"okay," at humakbang papaalis pero nakuha niya ang siko ko, para mapahinto ako. "let go of me,"
"pwede ba!! Huwag mo kong dainin sa seryoso mong tono! Mainis ka, lumaban ka!!" sigaw niya sa akin.
"di ako interesado sayo, kaya.." ngumisi ako. "sorry not sorry," kinuha ko ng pilitan ang siko tsaka humakbang.
"I HATE YOU LHEX!! LAHAT INAAGAW MO SA AKIN!! SI LUIZ AT SINO PA BA ANG BALAK MONG AGAWIN O ANO PA??!!" sigaw niya, napailing na lang ako dahil sa ginagawa niya. Sa nakikita ko ay di niya na kayang magmaneho, kaya kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Luiz.
"Vien?" mabuti na lang ay gising pa siya.
"si Mich nagwawala dito," seryoso kong usal.
"Then? I don't care about her," sa tonong naiinis niyang sinabi 'yun.
"fetch her malapit sa Coffee project, baka may mangyari sa kaniya dito." tsaka ko binaba ang linyang' yun. Di ko alam ang numero ni Delabin dahil kung nagkataon ay siya ang tatawagan ko. Wala rin akong choice kaya si Luiz na lang ang magsusundo sa kaniya.
Lumapit ako kay Mich, nakayuko siya habang nakasandal sa kotse niya."Susunduin ka na ni Luiz," napataas ang kaniyang mukha para titigan ako.
"R-really?" hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"hmm, just wait for him." at tumalikod naman ako.
"Hindi mo na ba siya mahal?" natigilan ako at sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay gusto ko na ring maupo sa kung saan ako nakatayo ngayon.
"may sinabi ba akong, hindi?" umarko ang inis sa kaniyang mukha.
"then bakit hiniwalayan mo siya?!" sigaw niya.
"hindi ibig sabihin na hiwalay na ang dalawang tao ay di na nila mahal ang isa't isa. May mga tao lang talagang di marunong magbilang hanggang dalawa kaya nakikiapid pa," sagot ko.
"Ha!! wala kang magagawa dahil bumigay rin si Luiz," nakangising sabi niya.
"hmm, kaya huwag mong itanong bakit ko siya hiniwalayan,"
"bakit di mo sinabi kay Kiej?" napapikit naman ako na nilalabanan ang inis.
Humakbang na ako papalayo sa kaniya, bakit pinili niyong saktan ang mga taong nagmamahal sa inyo? Napakuyom ko ang aking kamay. Mga sandaling 'yun ay hinihiling ko na sana ay matapos na ang araw na ito.
Pagpasok ko sa bahay nang makauwi ako ay sobrang dilim, kaya kinapa ko ang switch ng ilaw. Nanginig ang buong katawan ko sa aking nakita, nanlambot' yun at nagsinulang lumabo ang aking mga mata.
Kung saan nakita ko si Mama na maraming saksak ang katawan sa hagdan at nakagapos pa ang kamay sa mga relis na ito. Napatakip ako sa aking bibig, pinilit kong puntahan siya at may luha pang papatak sa kaniyang mga mata. "M-Mama," gumaralgal ang boses ko. Hinawakan ko ang pulso niya sa leeg pero may laslas ang leeg niyang 'yun para mapalayo ako.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...