Lhex's POV.
letche sa dinami daming studyante bakit ako pa ang pinag'utusan ng Hedalgo na to. Nakabalik na nga ako ngayon sa classroom at may pinapatayo na siyang mga studyante, ayan na naman siya! Umupo ako sa upuan ko tsaka di lamang nakinig sa mga pagsesermon niya sa mga ito. Napalingon ako kung saan ay tinawag na rin si Ara, napabuntong hininga na lamang ako.
Sa katabi ko ring si Hannah na nakakapanibago na rin ang inaasta, wala na yung mean attitude niya. Pinatayo na rin siya ni Sir Hedalgo, "ANONG GINAWA NIYO SA CHRISTMAS VACATION NIYO HA! NAGLIWALIW HA?! MAGLIWALIW SANA KAYO KUNG NAPAG'ARALAN NIYO YUNG MGA NASA LIBRO PERO WALA!!" sigaw niya para mapayuko nga ang lahat. Sinandal ko ang aking sarili at nilalaro nga ang ballpen sa aking nga daliri, di ko rin alam ang tanong niya sa mga ito.
"Sir wala naman kayong sinabi," gusto kong tumayo at palakpakan ang kaklase kong nagreklamo.
You did a great job, honey!
"SHUT UP!! kailangan bang gawin niyo pagsinabi ko lang ha?!" napatingin pa si Sir Hedalgo sa kaklase kong nagreklamo sa kaniya.
Ang tagal nilang matapos, edi sana nagtagal na lang ako sa labas sakaling nagkausap pa kami ni Luiz. Ayaw kong magalit sa kaniya dahil sa hindi niya pagpaparamdam, maraming tanong ang bumabagabag sa akin ngayon dahil bakit umabot sa ganoon.
"Ms. Macalintal!"
Hindi ko maintindihan, kailangan ko ng sagot. "MS. MACALINTAL!!"
"ay sagot!" nagulat ako dahil sa sigaw ni Sir Hedalgo kung saan ay nagtawanan ang lahat ng nakatayo, maliban sa nag'iisang nakaupong ako.
"OO KAILANGAN MONG SUMAGOT!! ang aga aga Ms. Macalintal nag d-daydream ka na naman, TAYO!!" napatayo naman agad ako.
Tss, pasalamat ka good mood ako. Kung hindi baka ay na!
"Ohhh! Ayan na hinihintay niyo!" usal niya sa mga kaklase ko, "naghihintay kayong masagot niya para mapaupo kayo!" direktang usal ni Sir Hedalgo para mapayuko sila. "Dahil first day!! Sige pagbibigyan ko kayo ngayon, pagnasagutan to ni Ms. Macalintal ay makakaupo kayong lahat at siya ay tatayo ng mas matagal pa!!" nagulat naman ako sa sinabi niya. "pero pag di niya nasagot ay siya lang ang makakaupo!"
"Holooo!"
"bakit ganoon sir?"
"Sir hindi naman siguro pwede yun,"
"Hayyyyss sigurado akong pipiliin niyang magkamali,"
"sumasakit na ang paa ko." mga pagrereklamo nila sa kay Sir Hedalgo.
Bwesit to, anong sinasabi nito! Kung sasagot ako ng tama ay mapapaupo ko sila at ako ang magt-take position sa kanilang pagkatayo? Napailing na lang talaga ako sa pinaggagawa ng prof na to, mas lalo niya talaga akong pinapahirapan. Sa ngayon ay may pagpipilian ako, kung hahayaan ko bang sagutin 'yun ng tama o hindi.
"Hindi ako sasagot para damay damay na to." napalingon ang lahat sa akin dahil sa sinabi ko. Baka sa kanilang mga mukha ang pagkagulat at ang iba ay inis bakit ko ginawa yun. Nahagip ng aking mga mata ang reaksyon ni Ara na nakakunot ang mga noo.
"what are you doing?" bulong niya na basang basa ko naman.
"It seems you have no other choice, kundi yan na lang talaga! TSSK! first day na first day parang wala akong magigisa sa araw na ito!" habang hawak ang kaniyang libro na di naman binubuksan. Nakita ko ang librong iyun na Economics, ang cover ng libro na yun ay nagpaalala sa akin.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Jugendliteratur[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...