Kiej's POV.
HAHAHAHAHHA!!
Natatawa ako dahil pinipilit nilang sumayaw si Lhex na di naman marunong. Sumasakit na ang aking tiyan sa katatawa nasa isang espasyo kami kung saan walang niyog na puno dahil mabagsakan kami ng mga bunga. Nasa gilid lamang kaming lahat kung saan ay makikita ang tuwa sa mga labi ng bawat isa, kitang kita sa mga mata ni Lhex na kailangan niya ng tulong.
Tumayo na ako para ako na ang sumayaw, pinaupo ko na siya kung saan umugong ang kantyawan sa aming dalawa. Kahit anong sabi ko na di ko siya girlfriend ay pinipilit parin nilang sinasabi na bagay kaming dalawa.
Pagkatapos ng kasiyahan na iyun ay malapit na ngang lumubog ang araw, kung saan ay lalabas na ang sunset. "Paalam sa inyo, sa susunod ay babalik kayo dito!" sigaw ng mga batang nandoon at kumakaway pa.
"Sir Kieeeejjj! Babalik kayo isama mo si Mam. Lhexx!"
Lumapit naman ang matandang babae sa harap ko. "Sir Kiej! Nagpapasalamat ako dahil dumalaw kayo dito," sabi niya.
"Kami po ang dapat magpasalamat dahil masarap na hinanda niyo at napasaya niyo po kami," napatingin naman siya kay Lhex at tanging pagyuko lamang ang ginawa.
Tamad talaga makipag'sap ang isang to.
"Sir Kiej, ito po ay ibibigay ko sa inyo,." hinawakan niya ang kamay ko at binuksan ang palad ko para ilagay ang isang bracelet na gawa sa inukit ang na kahoy ang pendant.
Infinity.
"salamat po," pagpapasalamat ko sa kaniya.
"ibigay niyo po sa babaeng magugustuhan niyo ng lubos at dalhin niyo po muli dito. Pagnakita ko po sa kamay niya ang bracelet na ito ay ipagdadasal kong habang buhay ay matiwasay ang pagsasamahan niyo," napangiti naman ako dahil walang ibang pagbibigyan ng bracelet na ito kundi si Mich lamang.
"Aasahan niyo pong maibibigay ko to sa kaniya at dadalhin siya rito para makilala niyo," sigurado akong magugustuhan nila si Mich. Napalingon siya kay Lhex na tahimik namang palinga linga parin sa paligd.
"baka nga nakilala na namin at naidala mo na rito, di pa siguro ang panahon para sa inyo," nakangiti niyang pinagmamasdan si Lhex, alam kong tinutukoy niya ang babaeng kasama ko ngayon.
Hindiiii!! N E V E R!!
"a-ah hahahaha," tanging naisagot ko lamang.
Nagpaalam na nga kami ni Lhex at biglang lumapit si Gabriel sa kaniya at binigyan siya ng bulaklak. "binibining Lhex bumalik kayo rito,"
Ediwow!! Kinuha ni Lhex ang bulaklak, bago pa man makasagot si Lhex ay pinalo ko na ang kabayo tsaka ito tunakbo ng pabilis. Nakita ko ang mga ngiti nilang lahat habang kumakaway, mapabinata, dalaga, at mga matatanda ay ginawa 'yun.
Naramdaman kong mahigpit ang pagkapit ni Lhex sa aking damit para mapangiti ako, mabilis nga ang pagpapatakbo ng kabayo. Napadaan kami sa isang mabangin na bundok, kung saan ay makikita ang ibabang bahagi at ang batis. Pinahinto ko ang kabayo at di bumaba roon, pinagmasdan ko lamang ang kabuuhan na tanawin roon.
"Ang sunset," mahinang usal niya upang mapatingala ako. Nagiging kulay dalandan ang araw na tila ay nagpapaalam na ito sa mga oras na iyun.
Wala lamang kaming imikan at pinagmasdan lamang ang sunset na nakasay sa kabayo. Hanggang sa mawala ito at unti unting napapalitan ng madilim na kalangitan, na nagbigay hudyat na aalis na kami sa lugar na yun. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng biglang bumikat ang aking likuran kung saan ay nakasandal na roon ang kaniyang uluhan.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...