A/N: Good day everyonee! sa mga nabibitin at mas patuloy na nabibitin, I love youu Loves.. Thank you for supporting my story, follow, comments and votes. Sana ay huwag kayong tumigil sa pagsubaybay ng storyang to. Keep safe everybody.
Lhex's POV.
"LHEXIEEEN!!!" napabangon naman ako dahil sa sigaw ni Ara, na nakabihis na para sa Ball. Pagkatapos kasi ng Mr. and Mrs. Dec'outing parang di ko na kayang tumayo dahil sa sakit ng katawan at paa ko.
"Ara! kayo na lang.." mahinang usal ko.
"what? hoy! nandito na yung gown mo! nanalo ka lang kanina dzae!! di yun panaghenip kaya gumising ka na at suotin mo yung gown mo.." hinihila pa nila akong apat, kayang kaya nila akong mapatayo.
Napailing naman ako. "Masakit talaga ang katawan at paa ko, mahihirapan ako.."
"Pagod talaga siya.." malumanay na sabi ni Kyla.
"Haysss! sure ka? pero kung magbago ang isip mo ay sumunod ka.." napatango naman ako bilamg tugon ko kay Ara.
Ang gaganda nilang apat, kaya napakamot na lang ako dahil bakit ako pa yung pinasabak -_- ni wala nga ako sa mga ganda noong mga yun.
"Lheeex sunod ka bitch." binigyan ko siya ng pilit na ngiti, pagkaalis nila ay pinagsak ko ang aking sarili para mahiga.
Ayaw ko ring makita si Luiz na kasama si Mich, mas lalong mahihirapan lang ako at lalo na rin siya. Kaya hanggang kaya ko pa, ako na ang iiwas sa kaniya, napayakap ako sa aking unan na iniisip ang mga ngiti ni Luiz, ang kaniyang mga ginagawa pagkasama ko siya.
Napabalikwas naman ako nang aking pagkahiga dahil ngayon pala ang final ng event sa banda, napapikit na lamang ako at pinilit ang aking sarili na tumayo kahit masakit ang aking katawan at paa, isama mo pa ang aking puso.
Nagbihis naman ako ng itim na tshirt, jeans, nilagyan ko rin ng napakaangas na make'up.. dark iyun para mamaya sa aming pagkanta.
Umalis na agad ako, paglabas ko ay nakita ko si Delabin naghihintay na nakablack suits, pagkita niya sa akin ay nabigla siya. "Bakit yan ang suot mo?" takang tanong niya. "niyaya mo kong maging partner tapos yan ang susuotin mo??!" napangiti naman ako dahil bakas ang pagkainis niya.
"magbibihis ako mamaya, final ng competition sa banda ngayon.. kaya ito ang sinuot ko." tiningnan naman niya ako mula paa hanggang ulo.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Dla nastolatków[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...