A/N: Thank you for votes, comments and follow loves💕 stay safe everyone. Update ako tomorrow loves ko💛
Lhex's POV.
Pinanuod ko na lang ang laro nilang iyon, habang naghihintay ay natanaw ko sa katabing upuan si Mich. Tinaas niya ang kaniyang kilay "Tsss tsssk. . alam mo bang me and Luiz--"
"kissed last last night?" nagulat naman siya ng sabihin ko iyon, napangiti naman ako. "Tsss.." saka napalingon kina Luiz na naglalaro parin.
"Alam mo?" napatango na lang ako. "so bakit hindi ka nagalit o kahit nagtanong kay Luiz tungkol roon?" naguguluhan niyang sambit.
"Walang kami." tipid na sagot ko.
"Oh bakit hindi mo layuan dahil alam mo naman pala na gusto ako ni Luiz! tsaka pwede ba masyado ka na talagang desperada sa kaniya, gosshhh with this people who trying there selves for someone." may pahawak pa sa noo niyang sinabi iyon.
"Am I? then stop playing someone's heart." napamaang naman siya ng sabihin ko iyon, tumingin ako sa kaniya. "Kung ayaw mo sa kaniya then leave him.." napakunot ang kaniyang noo noong sabihin ko iyon.
"Duuuh! choice ko yun, so labas ka na roon."
"edi labas ka na rin sa amin." tsaka ako nanunuod na lang sa practice nila Luiz. Hindi ko na malayan ay nalilibang na ako sa kapapanuod kong yun.
"Done for this day, good job." madaling sabi ni Luiz tsaka lumapit sa akin.
"Caaap! ang bilis mo naman lumipad di naman mawawala si Lhex diyan."
"Oo nga Cap baka may nakalimutan kang e announce?"
"Tong si Caaaap atat makasama yung bebeloves niya" mga pambubuyo ng iba sa kaniya.
Hindi niya na lamang pinansin dahil sa tutok siya sa katitingin sa akin. "Baka mamemorize mo yan, mahirap na. .wala tayong gamot." tsaka ako tumayo..
"bakit kailangan ng gamot kung pwede naman sagarin" napabuntong hininga naman ako ng sabihin niya iyon.
"magtitigan na lang tayo?" seryosong usal ko.
"Can we?" may ngising sambit niya.
"tss.."
"Again, Ms. Macalintal is now in blushing mode." napailing niya sambit tsaka pinunasan ang kaniyang pawis. Nakita ko naman si Mich na inaasikaso si Delabin pero napapatingin sa gawi namin ni Luiz.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...