A/N: Every Friday to Sunday lang ako nag u-update and one chapter lang po kung minsan two. ❤ sana maintindihan niyo, studyante palang po ako muaaawhhh. Thankyou Loveees sa comment, vote and don't forget to follow😍 r-replyan ko kayo doon.
LHEX'S POV.
Inalis ko ang kumot tsaka tumayo, tiningnan ko naman ang sugat na may bandage. "Magpahinga ka muna, excuse ka naman sa remaining subject mo" usal ni Nurse Jam, na nasa table niya na tinitingnan ang mga records na nandoon.
"Kamay ko lang ang nasugatan at hindi buong katawan" napahinto naman siya at tiningnan niya ako.
"Pinasabi ni Ms.Zeb na magpahinga ka at hindi ka papaalisin dito unless pupuntahan ka ni Kiej."
"Po?? paano kung hindi ako puntahan noon?"
"He will.. kaya mahiga ka na diyan at magpahinga kasi hindi rin kita palalabasin kahit anong pilit mo sa akin"
Ayaw ko naman pag'aksayahan ang inerhiya na meroon ako ngayon para lang makipag sagutan kay Nurse Jam. Humiga naman ako pabalik tsaka napaisip kung bakit sa tuwing nakakita ako ng dugo ay ganoon ang mga salitang naririnig ko.
Wala naman akong natandaan na may nangyari sa akin noon. Napailing na lang ako tsaka napalingon sa ibang bahagi para maisip ang ginawa ni Mich.
Anong utak meroon ka.
Alam kong hindi maganda ang ugali niya pero hindi ko akalain na aabot sa ganoon iyon.
*riiiiinggggg* *ringgggggg*
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa aking bulsa, tsaka tiningnan iyon.
"hmm?"
"Oh kamusta??" rinig kong sabi ni Ara na nasa kabilang linya.
"Okay naman, gusto ko ng lumabas dito"
"magpahinga ka na sinasabihan na ni Delabin ang mga teachers."
"Ayaw ko dito Ara"
"Hoy! kaloka ang dami mong arte ngayon Lhex! magpahinga ka kung ayaw mong ako mismo ang kukuha ng cutter at isasaksak ko sayo"
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Dla nastolatków[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...