A/N: Hi Loves thank you for the votes and comments that I received.. Pasensya na kayo sa typo and grammar hehehe and masyadong busy pa. So update ko ang next chapter see you tomorrow night.
KIEJ'S POV.
"Sa iba ko pa ba malalaman na doon siya natulog??" sigaw niya sa akin.
"Oo doon siya natulog dahil umulan, sige sabihin kong bumagyo. May pinuntahan si Luiz kaya hindi na niya maihatid. Iihatid ko naman sana siya Loves.. pero nag'alala si Mommy na baka mapano kami sa byahe. Sa guestroom siya natulog. Anong problema doon?" pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Nasa parking lot kami kung saan ay niyaya ko siyang kumain sa labas habang lunch break pa. Tulala lamang siya kanina pa, hanggang sa makarating kami dito.
"You didn't tell me that day Kiej" hindi makapaniwalang usal niya.
Tama nga siya hindi ko man lang naisip na sabihin sa kaniya. Napatingin naman ako sa kaniyang mga mata at kinuha ang kaniyang dalawang kamay.
"Sorry Loves kung hindi ko nasabi agad sayo.." napayukong sambit ko, nagpumilgas siyang kunin ang kamay niya at napailing pa. Ngunit hindi niya magawa dahil hinigpitan ko ang hawak ko sa kaniya ng hindi siya nasasaktan.
"Dahil abala ka sa kaniya??" napatingin ako sa kaniya.
"H-hindi sa ganoon yun!"
"Talaga??"
Napabuntong hininga naman ako, Inayos ko ang buhok niya papunta sa likod ng tenga niya. "Nagkausap kami.. pero hindi iyon tulad ng iniisip mo Loves"
Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko na pinapaniwala niyang galit siya ngayon. "Tell me sino nagsabi sayo"
"nadulas si Kuya Caleb dahil napag'usapan nila ni Ate Jas iyon.. he's trying to tell me na iba ang iniisip ko." napayuko naman siya, natahimik ang bawat pagitan naming dalawa. "sinugod ko si Lhex agad"
"What??" nagulat naman ako noong sinabi niya iyon, nabitawan ko pa ang kamay niya na kanina ay hawak ko. "Mich! sana pumunta ka muna sa akin" nainis naman ako bigla sa ginawa niya.
"Do you think magagawa ko yun after malaman ko ha?"
"Yes!! kasi may tiwala ka sa akin Mich, and you should confirm it to me?"
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Подростковая литература[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...