A/N : Hi Loves! thank you for everything 💓 keep safe always. Can you see wala akong masyadong picture kasi nga wala akong wifi di pa ako nakakauwi sa amin..
Lhex's POV.
Nagtawanan naman kami ni Luiz dahil sa pagtawag ni Ara ng ganoon. Nang matapos na yung pagbibili namin, ay agad naman kaming lumabas sa convenient na iyon at hinihintay rin ang iba sa labas.
"taray! pang pamilya na ang binili ni Fafang Luiz." usal ni Kyla. Sobrang rami naman kasi iyon na akala mo ipapakain niya sa buong barangay.
"kami rin ba Luiz pwede makihingi?" napapacute na si Icka sa kaniya.
"yuh but pakakainin ko muna ng marami si Vien bago kayo." nagkatinginan naman si Kyla and Icka sa sinabi niya.
"huwag mong laklakin yan lahat." mahinang usal ni Kyla para marinig parin. Nagtawanan naman sila, bigla namang lumabas sina Ara at Riel.
"PWEDE BA! YUNG CHOCOLATE YUNG GUSTO KO TAPOS KINUHA MO TO!!" napailing na lang ako, sabi ko sa inyo bagay nga sila dahil mapang'asar at sobrang tahimik XD ng dalawang iyan pag magkasama.
"Hoy Ms.Liendon hindi mo naman sinabi!"
"ANO? paano tayo magkakasundo niyan!!"
"EDI IBIBILI KITA!!"
"Letcheee huwag na! kaya di tayo nagkakasundo dahil masama kang nilalang."
At naunang pumunta sa gawi namin si Ara na dala ang maliit na supot, si Riel rin ay may dala. "Nag'aaway na naman kayo? gooosh!" maarteng sabi ni Kyla.
"Naloloka ako sa kaibigan ni Luiz." si Ara.
"bagay kayo." napatingin siya sa akin dahil sa sinabi kong iyon.
"A-ano??" haneeeep! nauutal pa siya.
"wala.. gustong gusto mo pang inuulit." nakangising sabi ko sa kaniya.
"Oh siyaaaa letssss go.." para magsimula ulit kaming maglakad, si Luiz ang may dala ng mga yun at hawak niya ang isang kamay ko.
Nasa malayo kami at ang tatlong kalalakihan naman ang nag set ng apoy roon, lahat ng mga binili namin ay nilagay rin namin pabilog.. para kuha lang ng kuha. Nakaupo ngayon kami iba ang girl and boys pero sa gitna magkatabi kami ni Luiz.
Nagtawanan at kwentuhan naman ang nagahanap na iyon, may kainan rin ng kung ano ano na lang. "Naku! lagi nga binabara niyan lahat ng teachers namin." bida nga sa kwentuhan si Ara at Riel dahil sa mga kaingayan nilang dalawa, minsan nagtatalo pa.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Ficção Adolescente[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...