Kiej's POV.
Napamulat ako dahil sa sakit ng aking lalamunan, nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa aking kama. Naalala ko ncaman na kasama ko pala si Lhex matapos ang mga pag'uusap namin ni Luiz, sinabayan naman nangdumating si Mommy and Ate Jas. Iyun lamang ang aking matandaan bago ako nakahiga dito sa aking kama.
Tumungo ako sa maliit na refrigerator at kumuha ng mineral water bottle ruon. Pag'ika ika naman akong pabalik sa aking kama dahil may sugat ang ibabang paa ko.
Humiga naman ako, at napayakap sa aking unan. Kung ipipikit ko ang aking mga mata ay hindi ma'iisip ko lamang ang mga nalaman ko. Hindi ko na rin inabalang e text o tawag man lang si Mich, dahil kung mahalaga ako sa kaniya.. kanina pa siya nagtanong kung saan ako, hindi nga siya nagpaparamdam sa akin ngayon.
Kung hindi ko nalaman ang tungkol roon ay hindi ako mag'iisip ng masama sa kaniya.. pero dahil sa nalaman ko ay parang nawalan na ako ng gana para maging mahinahon kung bakit hindi siya nagpaparamdam.
Nalilito parin ako sa mga pagmamakaawa ni Luiz at sa kaniyang sagot kung mahal niya pa ba si Mich, di ko alam kung totoo nga ba ang kaniyang sinasabi. Dahil kung hindi iyon totoo at may panloloko parin ay mas mahihirapan si Lhex, dahil mahal niya ito.
"baby.." napapikit naman ako nangbuksan ni Mommy ang pinto ng aking kwarto. Naramdaman ko namang umupo siya sa espasyong malapit sa akin. Naramdaman ko ang bawat haplos ng kaniyang kamay sa aking pisngi. "I don't know what happen.. I want you to tell me the truth, hindi ako makatulog sa kakaisip sayo." malungkot na sabi niyang iyon. "Baby, I know that nahihirapan ka.. but always remember that Mommy is always in your side no matter what happened." nakaramdam ako ng pagdampit ng kaniyang mga labi sa aking noo. Narinig ko naman ang pagsara ng pinto para mapamula ang aking mga mata.
Napatingin naman ako sa aking relo at nasa 12AM na iyon, napatayo ako at simulang tingnan ang sarili ko sa salamin. Hindi naman mapigilan ang luhang pumapatak sa aking mga mata, bigla na lang bumukas ang pinto para mapatingin ako roon.
"Bakit ka nandito?" seryosong tanong ko.
"sabi ng Mommy mo tulog ka na.."
"umalis ka na." napabuntong hininga naman sya ng sabihin ko sa kaniya para maisara niya iyon ulit.
Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung nagtext o tumawag si Michelle pero kahit isa ay wala. Dinial ko ang kaniyang number pero walang sagot, okay. Hating gabi na pala impossibleng gising pa siya ngayon.
Napag'isipan kong huwag na lang sabihin sa kaniya dahil magiging komplikado lang lahat sa aming dalawa. Ngayon ay mas kailangan kong tutukan rin siya, hindi ko hahayaan mawala at makahanap siya ng bukod sa akin. Gusto kong siya mismo ang magsabi tungkol roon, hindi ko siya pangungunahan. Sa kaloob looban ko ay may puwang parin ng pagkaintindi at patawad sa kaniya, pero sana ay sa madaling panahon ay malaman ko na agad, dahil magiging maayos iyon.
Naalala ko naman ang sinabi ni Lhex kanina, may ginhawa akong naramdaman dahil sa mga sinasabi niya. Lumabas ako ng kwarto kung saan ay nakita ko si Lhex sa labas ng kaniyang kwarto, nakatulala lamang siya. Sa tuwing tinitingnan ko si Lhex ay hindi ko makita kung okay ba siya, kung ano ang nararamdaman niya pero isa lang ang masisigurado ko. Hindi niya kayang makita ang isang taong nasasaktan sa harapan niya, tulad ng ginawa niya kanina ng magkasama kaming dalawa sa dalampasigan.
Pinagkaitan rin kaya siya ng tadhana tulad ko? Napatingin siya sa gawi ko, at nakita niyang pinagmamasdan ko siya. "bakit?!" angil ko sa kaniya, ngumiti siya ng alanganin tsaka umiling. Nilagpasan ko na lamang siya tsaka sumakay ng elevator.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...