Chapter 80

2K 126 49
                                    


Kiej's POV.

"Sa totoo lang, mas nakakampante ako pag nalaman kong magkasama kayo, dahil kahit anong mangyari alam kong magiging maayos pagnandiyan ka sa tabi niya," pagpapatuloy na sabi ni Chairman Eclipse. Napakamot naman ako sa aking ulo, dahil sa nahihiya ako sa mga oras na to.

Umayos ka Kiej! Para akong isang manliligaw na masayang nakakausap ang Lolo ng nililigawan ko. At si Lhex ang niniligawan ko, napapailing naman ako sa iniisip kong 'yon.

Matapos ang pag-uusap namin ay di ko maiwasang mapatingin muli sa babaeng nasa kama, wala paring malay."Kiejjj! nagdala ako ng pagkain para sayo, kumain ka na bago umalis," sabi ni Janeth, habang nilalabas ang mga lalagyan ng pagkaing dinala niya.

"Thanks, kailangan ko na kasing umuwi." sagot ko.

"Ganoon ba? O, sige. Salamat talaga sa pagbabantay kay Lhex ha? na perwisyo tuloy kita," napangiti naman ako at umiling.

"gusto ko rin siya," nakita kong di maayos ang damit ko kaya inayos ko 'yon agad,

"H-ha?" nauutal na sambit niya, na di makapaniwalang sa sinabi ko o kaya di narinig ang salitang' yon.

"gusto ko rin siyang bantayan," matapos maayos ay napangiti ako. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat at napilitang tumango sa mga oras na 'yon, "Aalis na ako," binigyan siya ng ngiti at bumaling' yon kay Lhex.

Wala akong partner mamaya, gumising ka. Bumuntong hininga ako tsaka hinakbang ang sariling mga paa, papaalis sa lugar na 'yon. "babyyyyyy!" pagpasok ko palang sa condo ko ay sinalubong na agad ako ni Mommy. "Bakit ngayon ka lang?" takang tanong niya. It's already morning, nagbaba ang mga braso ko tsaka ngumuso.

"binantayan ko po si Lhex, Mom," matamlay na sabi ko. Dahil sa iisiping di ko siya kasama mamaya sa University Week Ball.

"then? bakit malungkot ka?" nagtatakang tanong niya sa akin. Nilapitan niya ako tsaka niyakap ang isang braso ko, "hindi parin ba nagigising si Lhexiii?" napayuko ako at tumango.

"Ang dami kong iniisip ngayon, Mom. Gusto ko agad may sagot sa bawat katanungan sa isipan ko," pinaupo niya ako sa kama.

"may bumabagabag sa 'yong isipan? You can tell me, what is it baby?" malambing na sabi niya, na nandiyan siya lagi para sa akin.

"bakit ganoon na lang ang nakikita ko kay Mich, nawawalan nang kinang ang kaniyang mga mata. Nawawala na' yong excitement sa tuwing nakikita niya ako, at parang okay sa kaniya na di ako kasama," panimula kong 'yon, para mapangiti siya.

"sa kaniya nga ba ang may problema? o sayo, anak." napangiti siya, "Mahal mo ba? o may mahal ka ng iba," napakunot ang noo ko, gusto kong tumutol sa sinabi ni Mom pero may kung ano sa dibdib ko na tama siya sa sinabi niya.

"W-wala akong mahal na iba, M-Mom," naiinis ako dahil nauutal ang pagkasabi ko noon sa kaniya.

"anak? sa pagkilala ko sayo, ang puso at isip mo ay di nagsisinungaling. Baby, I think you're inlove with someone else and akala mo lang na nawalan na ng kinang ang mga mata ni Mich. Kasi..." napangiti siya, "nabaling na sa iba ang pagmamahal mo,"

"Hindi Mom! mahal ko si Mich, wala ng iba!" napabuntong hininga ako, natawa naman siya.

Nag shrugged siya, "okay fine, mahal mo siya. Sana ay makita mo 'yon, dahil ang totoong nagmamahal? hindi nang-q-question," tumayo siya at nilapitan ang sofa ko, ngayon ko lang namalayan na nandoon ang tuxedo na dala niya. "binili to ng Dad mo," napatayo ako at inusisa ang tuxedo na' yon, sa ganda nito ay alam kong mamahalin ang tuxedo na 'yon.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon