Ara's POV.
PUMASOK sila sa damakmak ang mga gwardya sa labas ng bahay nila Lhex, alam kong alam na nila na sangkot ang pamilya ko sa usaping ito. Humanap rin ako ng mga impormasyon tungkol sa kanila pero wala akong makuha. Wala namang blood related si Lhex sa mga ito, nagtataka lang ako kung bakit tinutulungan nila si Lhex.
Kung mapapansin ko ay may pagkakahawig si Lhex sa kanilang mga ugali pero—natakpan ko ang aking bibig. Di kaya—napailing ako. No way. Tinatagan ko ang aking loob, ang unang pumasok ay ang laging naka red lipstick, si Amnasha. Wala akong alam sa pamilya nila, ang alam ko ay sikat at mayayaman ang lahi ng mga ito.
Nakipagbatian siya kina Tita Zeb, Ate Jasmine at tumapat sa amin ni Lhex. "Condolence," seryosong bati niya kay Lhex, napatango naman si Lhex. Niyakap niya ito at hinagod, pero bigla na lang napatulo ang luha ni Lhex.
Ang wierd.
"hey bitter to see you here," umuwang ang labi ko dahil sa bati niya sa akin.
"n-nice t-to s-see y-you p-po," nauutal ko pang sambit.
Niyakap niya ako, "ang kapal ng mukha mong pumunta pa dito, tss.. tss.." mahina niyang sabi na pinaglakihan ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kumalas naman siya at nagpakita ng ngiti, napansin ko na rin na pumasok na rin ang naka black lipstick.
Lumakas ang kalabog sa aking dibdib dahil mas kinakatakutan ko siya sa mga oras na 'yun. Sa dalawang Eclipse ay siya ang mas kinakatakutan ko, dahil sa mga mata niyang palaban. Binati niya rin ang mga Delavin tsaka bumaling ang tingin sa akin, niyakap niya ako para batiin. "Wish for your death, soon bitch." may tumusok na kung ano sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Ngumiti siya ng alanganin tsaka tumungo kay Lhex, di ko na rin alam anong sinabi niya rito para mapaiyak ito.
May pumasok rin na matanda, sa kaniyang suot na nakapormal at may mga mamahaling alahas. Ang kaniyang Edad ay tulad rin ni Dean Suarez, may striktong mga paglakad at pagbati sa lahat. Napatingin siya sa gawi ko at inirapan lamang ako, napayuko lamang ako dahil sa oras na to ay nagliliyab ang kaniyang mga tingin. "You're one of her friends?" striktong sabi niya.
Di ko siya kilala. "Yes Sir, Beara Liendon." pagpapakilala ko sa kaniya. Ngumiti siya ng mapait at kitang kita ang matatalim ng tingin tsaka umiling.
"Hmm," tumango siya. "nice to see you here, traitor." di ko lubusang maisip na mas ikakatakot ko pala ang sabihin niya kaysa kay President Eclipse. I know that he's Chairman Eclipse. Napatingin ang lahat sa akin sa mga oras na 'yun. "ay joke, Hahahahahahahaha!" napatawang sabi niya para mapatawa ako. Natawa rin ang nakarinig dahil sa binibiro lamang niya ako sa kanilang pagkakaalam. Yumakap siya sa akin pag e comfort ako dahil sa joke niyang' yun. "don't worry, I set a plan for all of you. So, be ready and set a plan too." tsaka siya kumalas at tumawa muli.
Nilapitan niya si Lhex at niyakap niya ito bigla, hinagod ang likod at iyak naman ito ng iyak sa kaniya. Kung kanina ay di niya magawang umiyak, ngayon ay nailalabas niya ito.
Di sila nagtagal at simula na ang pamamaalam, nakita ko ang tingin ni President Eclipse na na may mapaklang ngiti at naghahalong may pagbabanta sa akin. Lahat ng gwardya ay naiwan sa lugar na 'yun, nagtaka naman ako kaya lumapit ako kay Lhex. Pero dahil alam niya siguro na magtatanong ako kaya napaiwas na siya, napabuntong hininga na lamang ako.
Nakita ko si Kiej na nasa loob, kanina ay di ko siya mahagilap ay nasa loob lang pala siya. May hawak siyang laruan at namumula pa ang pisngi at tenga niya, na kagagaling sa iyak.
Napaiwas naman agad ako na tingnan siya. Bigla namang nagring ang cellphone ko at nakita na sina Mommy 'yun, kaya lumayo ako para sagutin' yun. "Mommy?"
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...