Chapter 39

3.5K 148 89
                                    

Third Person's POV.

Nasa gymnasium na lahat ng stuff para ihanda na ang party mamayang gabi, para ganapin ito. 5PM to 7PM ang Mr. and Mrs. Dec'outing at kasunod naman noon ay ang ball , kung saan ay maglaban laban rin ang top 5 sa banda. Gaganapin rin roon ang parangal para sa overall championship, at ang fireworks for the last day of Dec'outing.

Lahat ay busy para sa kanilang damit na gagamitin, at ang mga hiyawan at supporters ng bawat level sa LPU para sa Mr. and Mrs. Dec'outing sa kanilang tiglilimang pambato every level.

Di na pinayagan ang mga candidate para sa kanilang pag ensayo dahil kailangan nilang magpahinga. Si Luiz and Lhex na man ay kasalukuyang natutulog parin, kahit tanghaling tapat.

"saan na ba si Lhex!" natatarantang hanap ni Ara. "diba? kahapon wala kami san niyo siya huling nakita?" nagkatinginan naman si Belle and Kyla.

"Gosh! bitches sabihin niyo na, kung saan siya.. Like hello? kagabi pa siya di umuwi, baka napaano na si Lhex." may pag'aalalang pilit ni Gericka sa mga ito.

"nagkasakit si Luiz, kaya pumunta siya roon." nagulat naman si Ara dahil sa sinabi niya Kyla.

"Ano/ WHAT?" sabay nilang usal.

"so magkasama sila kagabi?" kinikilig na sambit ni Gericka. Hindi naman mawari ni Ara ang pangyayari dahil wala na si Lhex and Luiz, may tiwala siya sa kaniyang kaibigan pero di niya lang maisip kung bakit nandoon siya agad.

"pagmamahal nga naman." nakangiting wala sa sarili na sabi ni Ara.

"susunduin ba natin siya? tanghali na di pa ba yun gising?" si Kyla.

"pupuntahan niya tayo kung gising na yun, kailangan nilang mag'usap." seryosong naiusal ni Belle na parang may alam siya sa pinagdadaanan nang dalawa.

Si Lhex naman ang naunang magising dahil sa tapat ng araw sa kaniyang mukha. Pinagmasdan niya ang kabuuhang mukha ni Luiz na mahimbing parin sa pagkakatulog, napangiti na lang siya habang subuking hawakan niya ang ilong nito.

"Ney, I see you." napatigil naman siya sa kaniyang gagawin. Niyakap ng mahigpit ni Luiz ang dalaga na di niya na itong gustong pakawalan pa.

Hindi naman siya sumagot o gumawa ng ingay, napaisip lamang siya tungkol sa sinabi ng Daddy ni Mich tungkol sa rason kung bakit ito nakikipaghiwalay  sa kaniya.

"Luiz.." panimula niya, umiling na lang siya para di yun itanong. Napatayo siya tsaka inayos ang kaniyang sarili. "aalis na ako, sigurado akong hinahanap na ako." napatayo rin si Luiz para ihatid siya.

"ihahatid na kita."

Hinayaan lang ni Lhex ang binatang ihatid siya, pinasuot naman siya ng bonnet para di siya mahalata na babae siya. Pagkalabas nila sa kwarto nito ay wala ng mga studyante masyado, di rin siya nahalata ng guard. Napatawa na lang silang dalawa nang biglang nawala ang mga ngiti ni Luiz, sakto rin na kinuha ni Lhex ang kaniyang bonnet para makita ni Loyd it.

"D-daddy." nauutal niyang inusal.

*PAAAAAK*

sinampal niya ng napakalakas si Lhex para mapahawak ito sa kaniyang pisngi. "Hon!!!" sigaw ni Lian, may nakakita ring iilan na mga studyante sa nangyari.

"How many times do I need to tell you Luiz!!" galit na sigaw niya.

"Hon! walang kasalanan ang bata!" pagtatanggol ni Lian kay Lhex.

"Ang landi landi mo!! doon ka pa talaga sa hotel room ng lalaki!!" sigaw niya.

"Dad wala kaming ginawang masama.."

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon