Lhex's POV.
Nandito ako ngayon sa hospital kakauwi lang galing sa bahay nila Delabin, napailing naman ako sa inasta niya.
Tsssk tssk huwag mong dumihan ang isipan ko Delabin sa inaasta mo.
Sobrang gabi na kaya natutulog na si Papa kaya ako naman ang nagbabantay ngayon kay Mama. Hinihiling ko na sana magising na siya, di buo ang araw ko pagwala si Mama. Napayuko naman ako habang hawak ko ang kamay ni Mama at napapikit para makaidlip man lang ng konti dahil 2AM na.
ang daldal ng kasama ko kanina, pati pangalan ng aso niya kinuwento pa.
May isang tao parin sa isipan ko at umaasang darating siya ngayong araw, batid ko alam niya na ang nangyari dahil sa kadaldalan ni Ara o kaya may nakapagsabi man lang na mga kaibigan niya.
zZzZzZzZzZzZzZzZzZz
"Wala na po kami Tito." natunugan ko ang boses na yun kaya di ko ginalaw ang aking katawan, alam kong si Luiz yun at di ako nagkakamali.
"Di man lang na kwento yun ni Lhex sa akin, Hijo.. pero nararamdaman ko nga." si Papa. "ano nga ba ang dahilan?"
Mula noong nagkahiwalay kami ay di ko parin alam ang rason kung bakit ganoon na lang si Tita Lian at ang desisyon na binitawan ni Luiz. Oo, alam ko sa pamilya pero bakit?
"Huwag mo ng sabihin kung di ka handa, pero alam mong maiintindihan ng aking anak ang pasya mo at ang rason kung bakit kayo nagkahiwalay." napapikit lamang ako at iniiwisang gumalaw sakaling matunugan niya. "nakapag usap ba kayo kagabi?.. sana naman ay nakapag'usap kayo." alam kong nakangiti si Papa ng sabihin niya yun.
-.-
"nakapag'usap?"
"hmm, alas dos ng makarating si Lhex at batid kong nagkita kayong dalawa.." gusto kong mapatampal saaking noo dahil sa sinabi ni Papa sa kaniya.
"h-hindi po kami nagkita." parang hinaplos ang aking puso dahil sa sagot niyang malumanay.
"A-ah g-ganoon ba? baka may pinuntahan lang.." pagbibigay salita para di sila magkailangan.
Napamulat naman ako para mapahinto silang dalawa sa kanilang pag'uusap. Bumati naman ako sa kanilang dalawa tsaka pumunta ng banyo para maghilamos, wala rin akong dalang pamalit ngayon.
hays wrong timing ka pre. Pagkalabas ko ay wala si Papa at nandoon lamang si Luiz na naghahanda. "Eat now Vien, you look so pale." huwag mo ko daanin sa mga english english mo.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Fiksi Remaja[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...