Lhex's POV.
Pagkagising ko ay agad akong naligo dahil may pasok ngayon, napatingin ako kay Papa na natutulog parin. Tiningnan ko ang orasan na nasa 5:30AM, napatingin ako sa sugat na natamo niya. Di ko rin siya tinanong tungkol dito, sabi ng mga security guard and those nurses ay akala lang nila ay mga bisita lamang. They will check also the Cctv sa hospital na papunta sa room namin.
Biglang bumukas ang pinto at isang doctor yun na may kasamang nurse na chineck si Mama. Pagkatapos noon ay may sinasabi siya tungkol sa kalagayan ni Mama, so far okay naman daw pero di pa siya nagkakamalay. She will go under observation kung bakit ganoon ang nangyari, napatingin rin siya kay Papa sa sugat nito. Inutusan niya ang nurse na bumalik para kunin ang panglinis sa sugat.
"Tungkol sa nangyari kagabi Hija, pasensya ka na. Ang gumawa sa Papa mo nito ay may connection rin ata sa hospital na to." napapukunot ang noo ko bakit sinasabi niya yun dahil parang sinisiraan niya lang ang hospital. "kung ako sa inyo ay ilipat niyo ang inyung Ina sa ibang hospital, you're not safe here.. Oo Doctor ako ng hospital pero mas kailangan kong pangalagaan kayo that might hurt your family."
"Doc.." usal ko.
"leave General Trias as soon as possible Ms. Macalintal." yun ang huling katagang narinig ko sa kaniya. Napatingin naman ako sa labas na di parin sumisikat ang araw, napaisip naman ako sa sinabi ng Doctor.
"Anak.." napalingon ako kay Papa na napaupo kaya agad akong pumunta sa kaniya para alalayan siya. "salamat.. anak, napag'isipan kong ilipat na ang yung Mama sa ibang hospital." nakaramdam naman ako ng kaginhawaan dahil sa sinabi ni Papa.
"Papa ano bang nangyari kagabi?" napaiwas siya kaya umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Anak, di ko alam bakit sinugod nila ako. Di ko sila kilala akala ko nga mga nurse sila, tatlong lalaki na nakanurse attire. Tinakot nila ako at kailangan raw nating magpakalayo" nakita ko na parang nahihirapan na si Papa.
"Pa saan?"
"uuwi na tayo sa Lola mo Lhex." sagot niya kaya napailing ako.
"Papa mauna na kayo ni Mama, dito lang ako." nakita ko naman ang pagtutol sa kaniyang mga mata.
"Hindi kami aalis ng di ka kasama Lhexien." pagtinawag niya ang pangalan ko sa ganoong paraan ay seryoso na siya.
"Pa makinig kayo, ako to si Lhex. Walang mangyayaring masama sa akin, magtiwala kayo Pa. Ang importante ay maging maayos kayo ni Mama, pagnatapos ang week na ito ay susunod naman ako pero di ko maipapangako." napalingon siya sa ibang espasyo na may iniisip.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Jugendliteratur[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...