A/N: Hi loveeees please add me on facebook search Authoritical Writes, please message me for accept para makita niyo ang new upload ko na video with Lhexiej. Delabin and Lhex, sa mga gusto ang couple na to. 2 Chapters na lang ang natitira sa Season 1, are you ready for Season 2 for the love story of your, char.. Sige nga dugtungan niyo nga. Sinong love story ang meroon sa Season 2?
Lhex's POV.
Pagkalabas ko sa hospital ay nakita ko ang imahe ni Luiz na nasa tapat ko. Basang basa siya sa ulan na tila ay pinadpad siya ng sariling paa sa pinaruruonan ko. "Vien," tawag niyang muli.
"Tama na Luiz, pwede bang papahingahin mo muna ako?" pagmamakaawa kong sambit sa kaniya. Gusto ko mang itago ang aking mga luha ay di ko kaya, "lagi na lang bang ganito? lagi mo na lang ba akong sasaktan?" tanong ko.
"hanggang kailan Luiz? hanggang kailan mong piliin na saktan ako. Hanggang kailan mo piliin na ganito na lang ako sa buhay mo!!!" napakuyom ko ang aking mga kamay tsaka pinunasan ang mga luha ko. "Lagi kang nagmamakaawang piliin kita pero ni minsan di mo ko pinili! kahit minsan ay never mo naman ginawa ang tama para piliin kita! ALAM MO BANG ANG SAKIT SAKIT NA!!!" napasigaw kong usal. Napahagulgol ako sa iyak habang nakatingin sa kaniya.
"Vien," aakmang hahawakan niya ako pero inunat ko ang kamay ko para pigilan siya.
"ANO PA BA!! ANO PA BA ANG KAYA KONG GAWIN? Bakit parang ang sama sama kong tao para mangyari to sa akin???! Bakit parang pakiramdam ko ay di deserve ang maging masaya kahit isang araw lang?!" napapailing kong sagot sa kaniya. "Sa lahat ng kailangan kong tao!! bakit kayo pa ang may kakayahang sakyan ako?" tinuturo ko ang sarili ko habang umiiyak.
"Sorry,"
"lintek na sorry yan!! Kayang kaya ko kayong patawarin pero di ko kayang mabuhay muli na kasama kayo! Ang hirap hirap magsimula alam niyo ba 'yon? Ang hirap sa paggising ko lahat pala ng taong mahal ko at pinahalagahan ko ng sobra ay mas lalong dudurugin ako. Lalong lalo na ang taong mahal ko!!!" humihingal na sabi ko habang napapayuko dahil sa iyak na nilalabas ko.
" Vien, sorry kung nagawa ko to sayo. Sorry for making you feel this way," napapahawak siya sa kaniyang noo habang nakayuko, at umiiyak.
"Apology accepted, Luiz. Huwag mo na akong kausapin pa, huwag kang mag-aalala. Pinapatawad na kita." agad akong humakbang papalayo sa kaniya habang tinatakpan ang bibig ko sa iyak na pinapakawalan ko.
Hindi ko na kaya. Wala na akong pakealam kung sino man ang may gagawin sa akin para saktan ako sa mga oras na ito. Dahil ubos na ubos na ako at wala na akong pakialam kung dito na rin matatapos ang buhay ko.
Pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa jeep ako ngayon kung saan ay papunta sa mansyon ng mga Delabin, nakabihis na rin ako. Hindi ako nagtagal sa hospital, dahil inasikaso naman agad ng Doctor si Ara. Akala ko ay mawawalan siya ng buhay dahil sa palasong tumama sa kaniya. Maulan parin sa oras na ito, kaya nagdala ako ng payong. Pagkababa ko sa mismong village ay pinapasok naman ako, siguro ay sinabi ni Delabin na papasukin ako.
Nasa tapat ako ng mansyon, kung saan ay bukas parin ang ilaw ng kwarto ni Delabin. Ang guard na nandoon ay natutulog na rin, malakas parin ang ulan. Nababasa ang paa ko, hinintay ko na may bumaba pero wala. Hanggang sa nakapatay na nga ilaw ng kwarto ni Delabin, kaya napatalikod ako.
Humakbang ako papaalis, "Lhex," napahinto ako tsaka napalingon. Pero di ko mapigilan ang sarili kong lapitan siya at niyakap ng mahigpit.
"gusto kong magpahinga, Delabin," tanging naiusal ko sa mga oras na 'yun. Napahawak siya sa braso ko, pero napasandal ako sa kaniya. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso niyang mabilis, di ko alam kung tama ba na mabilis 'yon.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...