Chapter 21

4.1K 103 45
                                    

A/N: Thankyou for support, follow, comments and votes loves💕

Lhex's POV.

*claaap* *claaaap* -Dandang Bebe

"Well done everyone.." sabay sabay naming binaba ang mga instrumentong hawak namin.

"I can't wait to play in the stage during Dec'outing" sabik na sabik na sabi iyon ni Eunice habang pababa ng stage.

"Kailangan nating mag ensayo ng mabuti para sa mga araw na iyon" si Karl.

"Hindi na nga ako makakapaghintay parang ilang buwan ng hindi na rin ako nakakapag perform sa isang stage" usal ni Jasper.

"Kaya this week everyday na tayong mag e-ensayo.. kahit ako ay sabik na rin sa pagbabalik ng ating grupo.. Hoy! Momshyyy" napatingin naman ako sa kanila namay pagtatanong sa aking mukha."Tahimik mo diyan ha?"

"Ganiyan naman talaga si Lhex dati pa.."

"Nga pala Momsshyy rinig na rinig ko kasama ka pala sa Tagaytay?" tumango naman ako. "Yieeeee edi huwaaaa nandoon si Kiej plus may Fafang Luiz pa! yummmyyyy"

"Tigilan mo nga yan Dandang Bebe.. pero Sissy anong feeling?"

"Etchusera!!" napatawa na lang kami sa kanilang dalawa.

Inayos na namin ang mga instrumento bago kami umalis sa room na iyon. "Ingat kayo ha" pagpapaalam nina Karl and Jasper.

"Sila mag ingat sakin raaawrr!"

"Nangangagat ka na ha Danda ha" natatawang sambit ni Eunice.

"Huwag ka mag'aalala bakla hindi ikaw bet ko."

"Ikaw Sissy hindi ka sasabay sa amin ni Danda pauwi?" tanong niya, napatingin naman sila sa akin na hinihintay ang sagot.

"May pupuntahan pa ako, mauna na kayo" seryoso kong sagot sa kanila.

"Sige Sis babyyeeee"

"Babyeee Momsshyy" kumakaway pa sila bago sila umalis, napahawak naman ako sa strap ng aking bag tsaka naglakad papunta sa court.

Umupo lamang ako sa bench na nasa entrance at hindi malapit sa kinauupuan ng team. Nakita ko rin si Mich na kinikilig habang nanunuod sa laro ng nobyo o sa team nito.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon