A/N: Flex ko lang to HAHAHA matagal pa ang Season 2, mataas pa ang season 1. Huwag atat.. Thank you sa supporta niyo, sa follow, and comments Happyyy 123K ayieeee Loveees.
Kiej's POV.
Pinark ko ang aking kotse sa garage, tsaka kinuha naman ng ibang kasambahay ang ibang gamit. Pagpasok ko ng bahay si Mom and Dad na agad ang bumungad sa aking harapan.
"Son, bakit di ka pumasok?" seryosong tanong ni Dad para maging alisto ako. Alam kong maiintindihan nila ako, si Mom naman ay napaiwas lamang.
"Dad sinamahan ko po si Lhex dahil nasa hospital ang Mama niya." nagulat naman silang dalawa sa sinabi ko.
"bakit di mo sinabi agad baby, bakit siya nahospital?" di makapaniwalang tanong ni Mom sa akin.
"nabundol po siya and right now Mom di parin siya nagigising." malungkot na sabi ko.
"Kawawa naman si Lhexiii, we need to visit her tomorrow Harold."
"Oo nga, kawawang bata."
"Mom Dad?" tawag ko para mapatingin sila. "can you help them?" nahihiya kong sabi. Pumunta sa gawi ko si Mom tsaka ako niyakap.
"Of course Baby.. alam kong nag'aalala ka rin."
"Son, di na iba samin si Lhex." nakangiting usal ni Dad.
Parang nawalan ang isang libong tinik sa puso ko dahil sa sinabi nila, pagkatapos noon ay kumain na muna ako at umakyat na agad ako sa aking kwarto. Di ko alam bakit hanggang ngayon ay nababalutan ng lungkot ang aking puso.
Napapangiti naman ako ng malaman na siya ang babaeng nanapak sa akin, no wonder siya nga siguro yun.
Sa tagal nang panahon sa ganitong paraan pa tayong magkatagpo ulit.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...