Third Person's POV.
NAPATAKBO si Luiz papunta kung saan ay nakahandusay si Lhex, pero napatigil ang kaniyang mga paa ng makita ng kaniyang dalawang mata ang kaniyang Ama. May pagbabanta ito sa kaniyang mata na kung lalapit siya ay mas lalong mapapahamak ang dalaga. Hindi siya makagalaw sa kaniyang kinatatayuan, nasa tunghay lamang siya sa kaniyang Ama na nasa likod nito ang dalawang tao na pumalo kay Lhex.
Dad, I thought. Wala siyang magawa sa mga oras na 'yun kundi umiyak sa sakit na kaniyang nararamdaman. Pinagtataksilan siya ng tadhana dahil sa paraang di niya matutulungan ang dalaga dahil mas lalong ikakalala ito ng sitwasyon. Forgive me, napapikit siya at dahang dahang tumalikod. Ang kaniyang paghakbang papalayo ay dinudurog ang kaniyang puso, dahil sa kasamaang palad ay kailangang gawin niya ang mabigat na desisyon ngayon.
Napamulat naman ang mga mata ni Lhex, nanlalabo ito pero nakita niya ang isang imaheng papaalis sa gawi niya. L-Luiz? Gusto niya mang imulat ang kaniyang mga mata kung tama nga ba ang kaniyang nakikita, na ito ay kaniyang nobyo. Pumasok ito sa kotse at di pa ito pinaandar, mga ilang minuto pa bago ito nagsimulang umalis papalayo.
Gusto mang aninagin ng dalaga 'yon pero huli na dahil sa pagkakataon na to ay nahilo na nga siya ng tuluyan.
Isang Linggo di parin nagigising ang dalaga, lahat ay nag-aalala sa kaniyang kalagayan. Bumibisita rin ang kaniyang mga kaibigan at nakikipag'usap sa pamilya nito. Si Min naman ay iyak ng iyak dahil sa sinisisi niya ang kaniyang sarili. "Robert kasalanan ko to!" napayakap naman ang asawa.
"Tahana, di mo kasalanan ang nangyari." napapaiyak na rin na sagot ni Robert sa asawa. Umiiling iling naman si Min dahil sa kaniyang palaisipan na baka gumawa bg hakbang na ikakasama ng anak, dahil sa pagsuway nito sa kaniyang utos.
"may pupuntahan ako Robert! Kailangan ay nandito ka lang at bantayan ang anak natin," may galit na sabi ni Min 'yon sa asawa. Hinawakan naman ni Robert ang kaniyang kamay na puno ng pag' aalala.
"Huwag mo sanang balutin ka ng 'yong lungkot at makakagawa ka ng bagay na mas ikakapahamak mo," si Robert.
"Marami ng nagawa ang ating anak, pero ni minsan ay wala tayong nagawa para man lang sa kaniya." nagsimula namang tumulo ang luha ni Min. "kaya oras na siguro p-para tayo naman ang magbuwis para sa kaniya, Robert?" nagsusumamong nagmamakaawang usal ni Min sa kaniyang asawa.
Napatungo naman si Robert ay kaniyang pagsang'ayon ay may malaking sakripisyo. Dahil alam niya sa oras na siya ay papayag ay may mangyayaring masama sa kanila at nasasaktan siya. Sa paraang siya ang padre di pamilya pero walang nagawa sa mga oras na ito. Hinawakan ni Min ang kaniyang dalawang pisngi at pinunasan ang mga luha ni Robert.
"Alam mong mahal na mahal ko si Lhex, alam ko ang tinatago mo Robert." napahagulgol naman sa iyak si Robert. "di lubos maisip ko paano hinaplos ng batang to ang 'yong puso, sa kadahilanang siya ang rason kung bakit nawala ang panganay nating anak." nabigla naman si Robert at umiyak ng umiyak dahil batid niyang may alam na nga ang asawa sa nangyayari ngayon.
"Min.."
"Naiintindihan kita dahil mahal na mahal ko ang anak mong si Lhexien." hinawakan ni Robert ang dalawang kamay ni Min sa kaniyang pisngi.
"patawad, Min. Pero kailangan kong gawin 'yun dahil hindi ko kayang-"
"hindi mo kayang patayin siya," napalingon si Min kung saan ay nasa loob ng isang room si Lhex. Nasa ICU siya ngayon at pinagbabawal pa sa ngayon ang pumasok dahil may gagawin pang test sa kaniya.
Napahagulgol ng iyak si Robert at napahilamos, nakaupo ito sa isang hallway chair na mahaba. "paano ko naturingang Ama niya!" napapailing naman siya habang umiiyak. "Paano ko nagawa ang lahat ng to??!" hindi parin siya makapaniwala na humantong sa ganito ang lahat ng kaniyang nagawa.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Jugendliteratur[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...