Chapter 61

2.2K 112 23
                                    

Luiz's POV.

I'm planning to buy a gift for Vien, ilang araw rin ang nakalipas and mahigpit parin si Tita Min para makalabas siya. Kaya sinusundo ko naman siya sa work place niya at mamadatnan ko siyang matutulog na lang, di na kami masyadong nag'uusap.

Hey where are you going?

-Mich.

The text from her, so I replied. We're now friends, I got her when no one else was. Alam kong may nararamdaman siya sa akin but it doesn't mean ay hindi ko na siya tatanggapin bilang kaibigan ko. Nagring naman ang cellphone ko para sagutin ko 'yun.

"Preeeee!! may inuman sa bahay, wala tayong bonding masyado!" nagyayang si Riel.

"at your place?" I asked.

"Hahahaha! Oo naman! dalhin mo ang chikababes mo ha?" natahimik naman ako dahil impossibleng makakasama ang babaeng yun.

"She's not coming,"

"Ganoon ba? Edi tayo na lang! punta ka dito mamaya ha? sayang naman di siya makakapunta dahil nandito pa naman lahat ng kaibigan niya mamaya,"

Gusto ko tuloy na di sumama dahil lahat sila ay may partner at ako lang ang wala, napabuntong hininga naman ako."It's okay,"

"nagd-drive ka? Saan ang punta mo ha?"

"Sa Mall, planning to buy something."

"Naaaks! Lakas makalover boy tong isang to ah, ang aga aga nambubulabog tong si Ken kakagising ko lang ah-tsssk!"

"Tss," tsaka binaba ang linyang yun, alam kong mang' aasar lang siya.

May isang call naman para sagutin ko ulit 'yun. "Hello?" sagot ko.

"saan ka?" napangiti ako ng marinig ang boses na' yun.

"sa Mall may bibilhin lang,"

"sige mag-iingat ka," sagot niya.

"my friends invited me mamayang gabi, di ka ba sasama? nandoon ang mga kaibigan mo," wishing that she would come.

"Hindi e, kailangan kong sundin si Mama," sa boses niyang yun ay gusto niyang sumama pero wala siyang choice but to follow her Mom.

"Don't be sad, dadaan ako bago umalis. Can you see me sa gate ninyo, later?"

"Hmm,"

"Okay then, I'll call you back then." tsaka niya inunahan patayin ang linyang yun.

Pagkarating ko sa Mall ay pumipili ako ng regalo ko kay Vien, may kinuha akong isang kwentas. "hindi mo talaga alam anong type ng mga gusto ng babae," napalingon ako sa nagsabi noon.

Mich.

May kinuha siyang isang kwentas na hugis puso na maliit and It's attractive. "See? maganda yan, and Lhex will like it for sure," naniniwala ako sa kakayahang pumili ni Mich, she's has a good taste when it comes to this stuff.

"Yuh." kinuha ko yun at binigay sa babaeng nagbabantay roon.

"kukunin niyo po, Sir?" tanong niya.

"Yeah, I will," ngiting sagot ko sa cashier and kinuha niya yun to put it on the box.

"A Christmas gift?" tanong ni Michelle, ngumiti naman ako.

"I forgot," nahihiya kong usal.

Natawa naman siya na hindi makapaniwala dahil sa nalimutan ko ang bagay na yun para sa babaeng mahal oo, "Luiz Alcantara? forgot to buy a Christmas gift for his girlfriend? duuuh! I can't believe it, Luiz," she knows na di ko malilimutan ang bagay na 'yun lalo na sa babaeng mahal ko, pero ito ako ngayon na sablay.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon