Kiej's POV.
"Kiej Caven Delavin," napahinto ako ng tawagin niya ako sa pangalang 'yon, ang kalmadong tono na nagbibigay sa akin ng kuryente. Iba ang dating para sa akin dahil nga ba sa ngayon lang niya tinawag ang buong pangalan ko? o talagang may nararamdaman na ako rito.
Napailing ako sa aking isipan at napaupo sa tabi niya, naisip ko kanina ang narinig kong mahal niya pa si Luiz. May kung ano sa puso ko ang kumirot, may kung anong lungkot ang bumabalot kahit pilitin kong ngumiti. At mas lalong nanlumo ako ng makita ko silang nagyakapan.
Mahal ko naman si Mich diba?
Tama nga ba si Mom? Mahal ko na ba ang babaeng to?
HINDI!!!
"tss, huwag mo kong titigan. Baka maipinta mo at di mo na mabura pa," seryosong usal niya.
"ha?! yabang mo no? kung may ipipinta man ako, hindi mukha mo! mukha noong babaeng 'yon!" turo ko kay Mich na nasa unahan, host siya ngayon. Di ko ba alam bakit sa napakaingay na paligid ay nagawa pa naming mag-usap.
Napatango naman siya, "Tingnan natin,"
"ang feeling mo rin no?" naiinis kong sabi sa kaniya. Napangisi naman siya na para bang kampante siya na ko magagawa ang sinabi ko.
Gustuhin ko mang lingunin si Lhex ay di ko na magawa, nang mapukaw ako sa isang kapansin pansin na mga titig. Hindi.
Si Lola.
"ang swerte naman ng magiging Ms. University Week, dahil maisasayaw ng ating representative na si Mr. Delavin," nakangiting sabi ni Mich sa mic at napalingon sa gawi ko. Lahat naman ay nagtilian, nagbigay ako ng ngiti.
"The Ms. U-Week, no other than..." pagtatawag ni Mich, "Gericka Jane Gueverra," napasapok ko ang aking noo. Napatawa naman ang katabi ko, kaya agad kong nilingon si Lhex.
"may nakakatawa ba ha?!" naiinis ko namang angil sa kaniya.
"Tss, it's a dream come true," nakangising sabi niya tsaka napalingon sa kaibigan papuntang stage.
Oo nga pala may gusto ang babaeng yan sa akin. "Tumayo ka na at isayaw siya," sabi ni Lhex, napatayo naman ako at lumapit sa tabi ni Gericka.
"nakakainggit,"
"Ms. Konsihaaaaal! Ako na lang po,"
"HUWAAAAH! Dream come true na yan,"
"ang bango bango ni Kieeeeeejjjj myloves,"
"malayo palang siya nakikita mo ng kumikinang na ang mga mata niyw, nyaaaay!"
Napangiti naman ako, hinarap ko si Gericka at kinuha ang kaniyang kamay. Inalalayan ko siya pababa ng stage, ang spotlight ay nasa amin. Ang ingay ingay dahil sa tili ng mga kababaehan, nilapat niya ang kaniyang kamay sa aking balikat." Yieeeeee! Dream come true na talaga, akalain mo 'yon jackpot ako!" kinikilig na sabi niya.
"sadyang napili ka talaga," seryosong tugon ko habang sinasayaw siya.
"Pero totoo nga!" sagot niya. Napangiti naman ako at bakas sa kaniyang mukha ang palinga linga. "Kieeej?" tawag niya.
"hmm?" nahahawa na ako sa babaeng 'yon.
"huwag mong alisin ang mga mata mo kay Lhex sa mga oras na uuwi siya, please?" malungkot na sabi niya.
"ano ako bodyguard?" prangkang sabi ko sa kaniya.
"kasi a-ano, may mangyayaring masama sa kaniya ngayon. Alam niya na' yon, pero please huwag mo siyang iwan," seryosong sabi niya na parang maiiyak. "Hanapin mo siya kung sakaling mawala siya, huwag mong hayaan na makalayo siya sayo,"
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teenfikce[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...