Third Person's POV.
Hindi pa nga natatapos ang rehearsal ng mga candidate ng Mrs. and Mr. Dec'outing. Kasalukuyan ngayon na sina Kiej and Lhex ang rarampa. Bagkus nararamdaman parin ni Kiej ang kaniyang kaba para maisip niya na baka mapapalpak silang dalawa.
Napabuntong hininga si Lhex at nilakasan ang loob, suot niya ngayon ang 7 inches na heels na pinahiram ni Belle para sa ball sana. Bukas pa kasi darating ang mga sinabi ng mga kaibigan niya, pero ang gown na sabi ni Icka ay sa susunod pang araw o baka isang araw bago ang event na iyon dahil pinagawa niya ito sa kaniyang designer na galing pa sa Macau.
"Candidate number 13" hinawakan ni Kiej ang kaniyang pulsuhan para alalayan siya papunta sa stage dahil nahihirapan ito sa kaniyang heels.
Paglabas nila ay parang hindi magawang alisin ng iba ang kanilang aura ng pagrampa. "Gossshhh bakit feeling ko bagay sila."
"they look so perfect."
"Oo nga no? okay naman pala may spark sila"
Dahil sa kaba ay bigla namang nanghina ang tuhod ni Lhex para matisod ito sa stage. Bigla namang hinila ni Kiej si Lhex para hindi ito mahulog ng tuluyan.
Pumunta naman si Luiz sa stage para kunin si Lhex. "don't ever put your hands to my girlfriend" halos mabingi naman ang lahat dahil sa inasal at natuklasan nila sa bibig ni Luiz.
"so in relationship na sila."
"Luiz." saway ni Mich kay Luiz, at pumunta rin sa stage.
"hahayaan ko na lang mahulog ang girlfriend mo?" galit rin na giit ni Kiej.
"Luiz tama na." sabi ni Lhex.
"Ang hirap sayo lahat inaagaw mo!" may kahulugang sabi ni Luiz para mapatigil si Kiej.
"anong sinabi mo???" bigla namang susugod si Kiej para suntukin ito at sinangga ni Lhex ang kaniyang kamao gamit ang kamay nito..
"Delabin please." seryosong sambit niya para tumigil na, naibaba naman ng kusa ni Kiej iyon.
"pagsabihan mo yang boyfriend mo! kung ayaw niyang maagawan, edi pangalagaan niya ng mabuti yung dapat sa kaniya pa." dagdag ni Kiej para maisip ni Lhex na hanggang ngayon ay si Mich parin ang nasa pagitan ng pagtatalo ng dalawa.
"KIEJ!" saway ni Mich, bigla naman napatingin si Kiej sa kaniya at napailing tsaka umalis ng tuluyan.
"I'm so sorry." sabi ni Mich tsaka tumungo kung saan pumunta si Kiej.
Hindi rin naman kayang makita ni Mich na nagtatalo sila dahil sa kaniya, pero may halong saya ang kaniyang nararamdaman. Sinundan niya si Kiej at nang maabutan niya ito ay napayakap siya sa likuran nito.
Napapikit siya ng kusa nang mayakap niya si Kiej, dahil ito ang kauna unahang siya mismo ang gumawa at hindi ang kaniyang nobyo. Nagulat naman si Kiej sa kaniyang ginawa, at napahinto tsaka tiningnan ang kamay na nasa kaniyang beywang na nakapulupot.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Fiksi Remaja[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...