Kiej's POV.
"Frennnyy wake up, wake up! bugtaw na dzae!" kitang kita ko sa taas ng salamin, kung paano niya tapikin ang pisngi ni Lhex na ngayon ay nakapikit. Nanginginig naman ang kamay ko sa pagmamaneho, pero mas lalong pinadaig ko ang aking lakas kaysa sa pangamba.
Walang segundo na di ko lingunin si Lhex na hawak hawak ni Janeth sa likuran. "Marami ng dugo, Kiej!" sigaw niya na umiiyak, na di alam anong gagawin. Mas lalo kong pinabilisan ang aking pagmaneho papuntang hospital.
Pagkarating namin sa malapit na hospital ay agad naman kaming sinalubong ng mga ibang nurse, nilagay siya sa hospital stretcher cart bed at aligagang pinasok. Kitang kita ng dalawang mata ko, kung paano namutla si Lhex at parang wala ng buhay. Umiiyak naman si Janeth, habang nakakapit sa relis ng hospital stretcher na 'yon.
Pinaghalong di ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na' yon. Pagkarating sa isang room ay ponagsarhan kami ng pinto. "Sir, dito lang po kayo. Hindi po kayo pwedeng pumasok," sabi ng Nurse tsaka pumasok sa room, kung saan ay pinasok si Lhex. Maraming nurses at may Doctor na pumasok, aligaga naman ang iba na kumuha ng mga kagamitan para ipasok roon.
DALAWANG ARAW na rin ang lumipas. Nasa campus kasama si Mich, dahil break niya ngayon. Marami siyang ginagawa dahil sa University Week, nagiging host rin kasi siya. Lahat naman ng kaibigan ni Lhex ay dumalaw sa kaniya sa hospital, di parin ito nagigising.
"Hey! are you with me?" napalingon ako kay Mich na ngayon ay nakaupo sa canteen kasama ako. Ngumiti naman ako at tumango, hinawakan ko ang kutsara at tinidor. Di ko alam kung bakit nawalan ako ng gana dahil sa nangyari kay Lhex.
"I'm so sorry," sabi ko.
"It's okay, baka gusto mong magpahinga loves." hinawakan niya ang kamay kong nasa mesa na di magawang hawakan ang kutsara, napatingin ako sa kamay niya tsaka sinilip ang mga mata niya. Hindi 'yon tulad ng dati na puno ng kinang, excitement, o kahit pagmamahal.
Ilang araw ko na ring naramdaman, na parang ayos lang sa kaniya na di kami magkasama. Pero naiintindihan ko dahil marami siyang ginagawa, at ayaw kong kwestyonin' yon. "Loves?" napalingon ako muli sa kaniya ng tawagin ako.
"gusto kong magpahinga," malumanay na sabi ko.
"Okay, marami rin kasi akong gagawin. Mamaya ay kailangan na namin e ready ang gagawin para bukas sa University Week Ball." kumakain siya at puno ng excitement ang kaniyang mga mata, habang sinasabi ang tungkol sa University Week Ball.
"Hindi kita partner?" tanong ko. Napahinto siya at parang pinilit na bigyan ako ng malungkot na emosyon.
Bakit nararamdaman kong, She's not into me, anymore.
"diba kayo ni Lhex ang representative? and Loves, host ako with Luiz," pilit na pinapaintindi niya sa akin 'yon, "speaking of Lhex, how is she?" sabay kain ng nasa tinidor niya.
"she's okay now, hihintayin na lang magising siya." sagot ko.
"so possible na di siya magigising, o makakarating bukas ng gabi?" napatango naman ako bilang tugon sa kaniya. "kawawa naman siya," mali ba ang nakita ko na nag half smile siya?
Nakakapanlumo at litong lito ako sa mga oras na 'to. Nakita kong humakbang ang sarili kong paa hanggang sa makarating ang sarili sa hospital kung saan na confine si Lhex. Pagbukas ko ng pinto ay nandoon lahat ng kaibigan, ang nakahawak sa kamay ni Lhex ay si Janeth.
Wala parin itong malay. Hindi ko nagawang bumati sa mga ito, nilapitan ko si Lhex. "Kiej, hinihintay na lang magising si Jules." sabi ni Janeth, tsaka binitawan ang kamay ni Lhex at tumayo para bigyan ako ng hudyat na umupo sa kinauupuan niya. Wala namang imik ang iba sa paligid, napalingon lingon ako kung na saan si Luiz. Nasa isang espasyo lamang siya na nakayuko, na para bang malalim ang iniisip.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Novela Juvenil[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...