Chapter 50

2.9K 103 47
                                    

Kiej's POV.

Nandito kami ngayon sa kusina kung saan ay walang nagsasalita, seryoso naman siya sa kaniyang pagkain na parang walang nangyari. Di ko naman kasalanan yun diba? na outbalance lang ako! aksidente lang yun Kiej, tama! tama!! bumuntong hininga naman ako tsaka napangiti.

"Okay ka lang?" tanong niya na parang nakalimutan na ang nangyari. Letcheeeeee!

"O-oo n-naman!" usal ko.

"sige." tingnan mo!! yan lang ang sagot niya! tumayo nga siya at niligpit yun. "sigurado bang di ka kakain?" parang bigla akong nagugulat pagkinakakausap niya ako. "Hoy!" tapik niya sa balikat ko na kinukuryente.

"huwag mo nga akong hawakan." naiinis kong usal at napatingin sa ibang deriskyon.

"Tss.." napaupo siya sa tabi ko.

"diba doon ang upo mo!" turo ko kanina sa harap kong upuan.

"Mas lalong maiilang ka kung doon ako uupo, dito na lang para di mo makita ang mukha ko." seryosong sabi niya.

Wala namang akong naisagot sa sinabi niya dahil sang'ayon na rin ako. "Lhex yung kanina.." mahinang usal ko.

"Tss.. di ka pa uuwi?" pilit niyang iniiwasan yun. Kaya mas lalong naging maluwag sa aking isipan at damdamin.

"Uuwi na ako pero.. teka nga! saan ba ang pamilya mo?" pag'iiba ko ng pag'uusapan naming dalawa.

"Umalis na sila dito." seryosong sabi niya habang ininom ang isang basong tubig.

"Umalis? tapos ikaw?"

"ito naiwan, may pasok pa ako.. pero di rin ako susunod, may kailangan akong gawin tulad ng pagt-trabaho."

Nalulungkot ako sa kaniya dahil siya na lang mag'isa. "Alam mo Delabin nagpapasalamat ako dahil may taong katulad mo. Yung tipong nandiyan pagkinakailangan." yun na ata ang pagpapasalamat niya sa akin. "pero tama nga ang Lola mo, baka masangkot ka sa isang gulo kung patuloy mo kong tutulungan.." dagdag niya pa.

"Lhex, ginagawa ko to dahil kung ikaw nasa position ko ay gagawin mo rin yun tulad noon." sagot ko.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon