A/N: I'm not feeling well but nagsusulat parin ako. Tomorrow may update ulit ako, dahil nakauwi na ako may wifi na ulit. Thank you sa supporta niyo, just visit my timeline loves if may update tayo at di kayo umasa.
Lhex's POV.
*Ringggggggg* *riiiinggggg*
Kinapa ko ang tunog nang aking cellphone. "Oh!" sagot ko.
"Kaloka! hoy tapos na ang Dec'outing, gumising ka na at malilintikan ka na naman kay Sir Hedalgo." napatayo naman agad ako. Kahit di ko tingnan ang tumawag alam kong si Ara yun, dahil sa boses niya palang na manok kung makaputak parang wala ng sisikat na araw sa umaga.
"pwedeng extend pa? sabihin mo na lang mal'late ako Ara."
"Ano?! hoyyy Hoyyy! indzaeeee! nadaog ra ka sa Mrs. Dec'outing di ka prinsesa." napatampal naman ako sa aking noo.
"tigil tigilan mo yang paggiging alien mo.. Oo na!"
"dalian mo! sabay nating tingnan ang result!"
"ayaw ko na.."
"ANONG AYAW MO NA HA!!! LETCHEEE KA!" napatawa naman ako dahil pinatay niya agad yun.
Naligo naman agad ako tsaka bumaba. "Maaaa! aalis na ako."
"di ka ba mag'aalmusal anak? maaga pa naman." habang hinahanda ang pagkain.
"tinapay na lang, mal'late na ako Ma.."
"ohhh sige sigeee.. ingaaat ka Lhexien!" tinaas ko na lamang ang aking kamay, para hudyat na aalis na ako. Ginulo ko naman ang buhok ni Kyle na nilalaro ang binigay sa kaniya ni Delabin.
Naglalakad ako papunta sa kanto nang napalingon ako kung saan nandoon ang matandang yun. Napangiti naman ako tsaka sumakay sa pumaradang jeep sa harap ko.
Nang makarating nga sa parking lot ay dumeritso na agad ako papasok sa gate. Marami parin ang di maka get over sa Dec'outing, one week ang event na yun. Papahingahin ka ng dalawang araw ay pasukan na naman.
Wala na nga practice sa banda, wala ng iisipin kundi pag'aaral na lang. Tuloy parin ang pagpasok ko sa section, tulad ng sinabi ni Luiz ay tinanggap ko na nga hanggang doon na lang talaga kami. Binigyan man ng tadhana ng pagkakataon ang mga sarili namin bilang isa, ay di man lang pinatagal yun pero parang isang mahabang sakit na magiging marka habang buhay sa puso ko.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...