FOURTY

1.2K 21 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

"Sheena, akala ko ba ay matatagalan kayo sa Cebu? Bakit naman umuwi kayo agad?" tanong ni daddy kinagabihan nang maghapunan kami.

Napatingin ako sa kanila na naghihintay ng sagot. "May hindi magandang nangyari," pag-amin ko.

Kita ko ang pagtataka sa mga mukha nila.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot angg noo na tanong ni kuya Sam.

"Si Joros, sinundan niya kami sa Cebu," pabuntong-hininga kong sagot.

"What?!" nagugulat na tanong ni mommy. "And what did he do?"

"Nothing. He just kissed me that's why Kenzie got mad and that's when I found out the truth," kaswal kong sinabi, sinundan ko pa ng kibit-balikat na para bang normal lang na mangyari iyon.

"Ano?! Hinalikan ka niya, Sheena?" may halong galit sa boses ni kuya Sic.

Tumango ako. Nagpapasalamat akong hindi namin kasama sa hapunan si Zaiah at maaga itong natulog dahil hindi niya maririnig ang usapan namin ngayon.

"But I think it was helpful," sabi ko.

Hindi makapaniwalang tumingin si mommy sa akin. "And in what way you think it was helpful?" taas-kilay, striktang tanong ni mommy.

"Because if he didn't kiss me, hindi magagalit si Kenzie. At kung hindi nagalit si Kenzie at hindi kami nagkasagota, hindi ko malalaman ang totoo."

"Anong totoo?"

"Na magkakilala sina Kenzie at Joros. They used to be best friends pero dahil sa isang babae kaya nasira ang pagkakaibigan nila. At ngayon... pakiramdam ko nauulit ang nangyari sa kanila noon," humina ang boses ko. May parte sa akin na parang nakokonsensya na ako ngayon ang dahilan upang mas lalong lumala ang hidwaan nilang dalawa. Napayuko ako.

Narinig ko ang pagsinghap ni mommy dahil sa gulat.

"You're not blaming yourself, aren't you?" tanong ni daddy kaya napatingin ako sa kaniya.

"I... I am," mahinang sagot ko. Nabitawan ko ang hawak na kobyertos. "Ewan ko, daddy. Feeling ko naiipit ako. Si Joros ang ama ni Zaiah. Si Kenzie ay boyfriend ko. Gusto kaming makuha ni Joros kaya gumagawa siya ng paraan... pero hindi ko alam ang totoong motibo niya. Gusto ba talaga niyang makuha kami ni Zaiah dahil mahal niya kami o gusto niya lang na makaganti kay Kenzie. Hindi ko alam!" I'm frustrated! Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Kaya gusto ko ng pahinga. Pahinga sa lahat ng bagay na may kinalaman kay Kenzie at Joros.

"Kaya ba napauwi kayo ng maaga?" mommy asked.

"Yes. Kasi hindi ko na alam ang iisipin matapos ang mga nalaman ko. May nilihim siya sa akin, mommy. Isang lihim na ngayon, ako at ang anak ko ay nagiging involve na."

"Why don't you talk to Kenzie? You can't sort things out on your own. May kinalam ito kay Kenzie, talking with him will help," kalmadong ani daddy.

-

Maingat na isinara ni Kenzie ang pinto sa kwarto ni Zaiah. Tuloy na ang anak ko at si Kenzie ang nakapag patulog sa kaniya. Ayaw niyang matulog ng hindi nakikita ang dada niya kaya wala akong nagawa kundi ang tawagan siya at papuntahin dito. Naisip ko rin ang sinabi ni daddy. Kailangan kong makausap si Kenzie nang malinawan. Alam ko kasing hindi ko makakausap ang gag*ng Joros na 'yon.

Sa kwarto ko kami dumiritso. Pagpasok namin, sa balkonahe ako nagtungo, sumunod naman siya.

"I want to know everything," diritsong sabi ko sa kaniya, blanko ang mukha. "Tell me everything, Kenzie."

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon