Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim(Huwag po natin awayin si Sheena, babies. Naging tanga at slightly 'blind' lang talaga siya sa part na 'yon 😅 Bait naman si Sheena, eh 😊)
ENJOY READING!
.
Para akong nanlulumo. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Hindi niya ako nilapitan.
Pero ang mukha niya kanina ay tumatak sa isipan ko. Walang makikitang reaksyon ang mukha habang nakatingin sa amin.
Napalingon ako kay Darwin na noon ay may nag-aalalang tingin. Saka ako muling napatingin sa lugar kung saan ko nakita si Kenzie.
Nagseselos ba siya? Pero nag-sorry na siya sa akin, hindi ba? Ako nga itong dapat magalit dahil hindi niya sinabing nalalaman niya ang lahat ng lakad ko.
Hindi nawala sa isip ko ang itsura ni Kenzie kanina. Tuloy ay parang wala na naman ako sa aking sarili. Ni hindi ko napansin na nakarating na pala ako sa bahay at naka-upo na sa swivel chair sa harap ng study table.
"Mimi. Mimi. Look, oh. I got three stars." Ang matinis ngunit masiglang boses ng aking anak ang tila gumising sa akin mula sa malalim na pagkakatulala.
Tumingin ako sa kaniya na noon ay may malawak na ngiti sa labi habang pinapakita sa akin ang likod ng palad niya na may tatlong bituin.
Ngumiti ako saka hinawakan at tinignang mabuti ang stars na nakuha niya.
"And you know what, Mimi? I am the only one who got three stars among our class," nagmamalaking aniya.
Bahagya akong natigilan, pinoproseso ng utak ko ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Zaiah.
Bakit gano'n? Bakit parang hindi ko namalayang hindi na masyadong nabubulol ang anak ko? Although, may mga words na nabubulol pa rin siya.
Nanggigil akong kinurot ang parehong pisngi niya. "Wow! Very good pala ang baby ko."
Humagikgik siya. "Mimi, where's Dada? Want to show him my stars."
Ang ngiti ko ay unti-unting naglaho dahil sa tanong ng anak ko. At sa isang kisap-mata lang, nakita ko ulit sa aking isipan ang blankong mukha na ipinakita niya sa akin kanina.
"Mimi? You okay?" nakakunot ang noo, inosenting tanong ni Zaiah.
Pilit akong ngumiti at tumango. "Can you go to your room muna? Mimi needs to do something."
"Okay, Mimi." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hinalikan niya ako sa kaliwang pisngi sabay sinabing, "Ayabyu, Mimi," bago siya lumabas ng aking kwarto.
What she did made me smile. My daughter never failed to lift my mood every time na nalulungkot ako.
Humarap ako sa study table, binuksan ko ang laptop ko para lamang pala mapatigil. Suddenly, all our happy memories flash in my mind. And in no time, I felt my tears already flowing in my checks.
Ang litrato naming tatlo nina Kenzie at Zaiah na nakunan noong nasa Nami Island kami na ginawa kong wallpaper ng laptop ko. Naalala ko 'yong sinabi ng foreigner na kumuha ng larawan.
"What a happy and perfect family."
"You look perfect, guys. A kind of family that anyone can dream of."
Isang larawan ng masaya at perpektong pamilya, na kahit sino ay papangarapin.
Pinangarap ko rin 'yan dati. Pinangarap kong magkaroon ng isang pamilya bagaman hindi perpekto pero nagmamahalan at masaya. Pinangarap ko dati na kung sino man ang lalaking magmamahal sa akin ay tatanggapin din niya at mamahalin ng buo si Zaiah. At si Kenzie ang katuparan sa pangarap na iyon.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
AléatoireSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...