THIRTY SEVEN

1.1K 27 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Nalaman kong nasa Cebu pala kami. Sa Cebu niya tinayo ang sarili naming bahay. Parang ang weird pakinggan ng namin. We are not even engaged, hindi pa nga ganoon katagal ang relasyon namin. And yet he build our own house.  I just can't believe it.

Nalaman ko rin na malapit lang dito ang Isla na nakapangalan sa akin. Iyong Isla na pagtatayoan ng resort. Ang dami kong nalaman ngayong araw na ito. Ang blueprint na nakita ko noon kasama ng blueprint nitong bahay, ay ang blueprint pala ng resort na plano ni kuya Sam na ipatayo sa Isla ko.

"Naalala kong sinabi mo na ang hassle ng client mo na 'yon kasi pang ilang change mo na ng blueprint dahil pihikan ito? So kuya ko pala 'yon." Natatawang tumango-tango ako.

Natawa rin siya. "I have no idea he was your brother."

Kamakailan lang niya nalaman na akin pala ang islang iyon. Nalaman niya iyon ng magkausap sila ni kuya Sam ng isang beses. Ang sabi ni kuya ay hindi na siya makikialam sa property ko sa Cebu since nakabalik na ako sa kanila. Gusto ko rin na resort ang itayo sa Islang 'yon. Hindi ko pa nakikita ang isla, nae-excite ako dahil may naiisip akong plano sa resort kung sakali.

Kinabukasan ay maaga naming pinuntahan ang isla. Nag-rent kami ng bangka papunta roon. Ang ganda ng tubig. Ang linaw-linaw. Tuloy ay gusto kong lumangoy. Kung nandito si Zaiah tiyak kong mag-aaya 'yong mag-swimming sa dagat.

"Malapit na tayo," sambit ni Kenzie sa tabi ko.

"Gaano kalaki ang Isla?" nae-excite kong tanong.

Nginitian niya ako. "Malaki. Malawak."

Tumaas pa lalo ang excitement ko. Kaya naman kung ano-ano ng plano ang pumapasok sa aking isip. Maya-maya pa'y huminto 'yong bangka sa dalampasigan. Inalalayan naman ako ni Kenzie pababa.

White sand. Trees. Namangha ako sa ganda at lawak ng Isla. God! Is this really mine? I owned this island?

"Welcome to you island, mimi."

"Wow," ang tanging nasabi ko. This is perfect.

"Let's go there." Tinuro ni Kenzie ang lilim ng puno sa 'di kalayoan. Tumango ako.

"How many times you've been here?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Once? I have to see the island first before I do the planning. Kasama ko 'yong kuya mo that time. He was so excited yet missing someone."

Umupo ako sa malaking ugat ng puno. Inilabas niya 'yong blueprint at ipinakita sa akin. Hindi ko naman naiintindihan 'yon. He explained to me his plans to the resort. Tango lang ako ng tango. Wala naman akong tutol sa plano niya. Maganda naman kasi.

Instead na hotel ay mga old style cabins. Hindi mawawala ang swimming pool. I suggested na ang motif ay historical style. 'Yong restaurant, open lang para presko ang hangin instead of air-conditioned. Gusto ko rin na may spot na pwedeng tayoan ng tent para sa mga magbabarkadang trip ang camp. Iniisip ko pa lang ang kalalabasan ay nae-excite na ako.

Nag-stay kami roon ng ilang oras pa. Nilibot namin ang buong Isla. Parang napapagitnaan ito ng dagat at bundok. Napakasariwa pa ng hangin. Naghahalo ang hangin na mula sa bundok at hanging mula sa dagat. Tuloy ay hindi na ako makapaghintay na matapos ang pagpapagawa ng resort. Hapon na no'ng bumalik kami sa bahay.

"Hi, baby. I miss you, how are you?"

Kausap ko ngayon sa video chat si Zaiah. Tinawagan ko ang Yaya niya. Gabi na at inaalala kong baka umiiyak siya dahil wala ako. Pero mukhang hindi naman siya umiiyak o hinahanap ako.

"Mimi, amisyo. Wey ay you?"

"I'm in Cebu, with your daddy."

Nanlalaki pa ang mga mata niya na tila nabigla nang marinig ang salitang daddy.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon