TWENTY THREE

1.6K 24 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

"SO, how was bamdokkaebi last night? Did you girls enjoy?" Nakangiting tanong ni Tita Dale nang sumunod na araw habang nag be-breakfast kami, excited marinig ang sasabihin namin.

Nagkatinginan kaming mag-pipinsan saka sabay na ngumiti at humarap kay Tita.

"Ne, eomeoni," tango ni Yeupo.

Nagsalita rin si Aegyo, magiliw na may halong excitement itong nag-kwento kay Tita bagaman gamit ang kanilang lengwahe. Nakangiti namang tatango-tango si Tita at kanyang asawa.

"I'm glad you enjoyed last night. This is the first time my daughters meet you, Sheena. They have friends but they only go out with Ji Na. I am glad you enjoyed each other's company," nakangiting ani Tito Eunjin

Napangiti ako saka muling nag-patuloy sa pagkain. Nilingon ko si Zaiah.

"Baby, look oh. Your area is so kalat na," sabi ko kay Zaiah, napasimangot naman ito. Walang nag-su-subo sa kanya. Tuloy ay madaming pagkain ang natatapon sa mesa at sa sahig. Maging ang mukha niya ay ang dungis na rin.

"Ako na," napatingin ako kay Kenzie nang pigilan niya akong linisin ang mga nag-kalat na pagkain sa palibot ng plate ni Zaiah.

Hindi ko inaasahang magkasalubong ang mga titig namin, bigla ay nakaramdam ako ng pagka-ilang. Naalala ko ang ginawa niya kagabi, bagaman hindi niya alam na gising pa ako ng ginawa niya 'yon, nakaka-ilang pa rin. Nag-iwas agad ako ng tingin. Binalik ko ang atensyon sa pagkain ko at paminsan-minsa'y sinusulyapan sina Zaiah at Kenzie.

"Ahh, baby..." Sinusuboan ni Kenzie si Zaiah. Halos maubos na ang pagkain ni Zaiah, samantalang ang pagkain niya ay halos hindi pa nangangalahati. Na-guilty naman ako, ako ang ina pero siya ang nag-aasikaso sa anak ko.

"Ako na," sambit ko dahilan para nag-angat siya ng tingin sa akin.

Umiling siya "No, it's okay. Kumain ka na lang. Malapit na rin naman niyang maubos ito."

"Ikaw ang kumain, Kenzie. Ni hindi mo pa nga halos nagagalaw 'yang pagkain mo. Ako na."

Tumango siya saka nilapag ang kutsara sa plato ni Zaiah. Napatingin pa ulit siya sa akin, tila gusto niyang siya ang magpakain sa bata.

"Eat" may diin kong sambit.

"Is it yummy, baby?" malambing kong tanong sa anak ko. Ilang beses naman siyang tumango at nakangiti pa.

Nag-sandok ako ng pagkain sa plato niya saka isinubo sa kanya. Mabilis niya iyong nginuya at nilunok. Bibo kumain ang anak ko. Hindi siya 'yong tipo ng bata na kay hirap pakainin. Si Zaiah, kahit anong isubo mo kakainin niya 'yan. Kasiyahan niya pagkain, not until Kenzie spoiled her with things. Pero naiintindihan ko naman, bata lang rin si Zaiah na ang gusto ay mag-laro.

"Ate, saan niyo balak pumunta? Kung gusto niyo i-tu-tour ko kayo sa Seoul?" suhestyon ni Tita.

"Actually, Dale. We have limited time. 1 week lang ang vacation namin. May trabaho kaming dapat asikasuhin. Si Sam, maraming cases 'yan, buti nga at pinayagang mag-leave muna. Si Sic naman, marami siyang pasyente na ipinasa muna sa kasamahan niyang doctor," Ani mommy

"Hindi ko pwedeng ipa-handle ng matagal kay Doc. Raly ang pasyente ko dahil ako ang nakakaalam ng kalagayan nila. Kailangan kasing e-monitor ang kalagayan ng mga pasyente ko." Ani kuya Sic

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon