ONE

3.9K 62 5
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Paalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.

*CRRIIIIIIINNNNGGGGG*

Pikit mata akong bumangon sa pagkakahiga ko. Antok na antok pa akong pinatay ang alarm dahil baka magising si Zaiah na nasa tabi ko at mahimbing ang tulog.

4:30 a.m. pa lang at gising na ako. Kailangan ko kasing mag handa sa pag pasok sa school, at asikasuhin si Zaiah.

Dahan dahan at ingat akong bumaba sa kama para hindi magising ang anak ko. Dumiritso ako sa c.r. para maghilamos at mag toothbrush, saka ako bumaba sa kusina para mag handa ng breakfast. Ganito ang naging routine ko sa nakalipas na tatlong taon. Gigising ng alas quatro ng umaga, magluluto ng breakfast, maliligo, aasikasuhin ang anak pag gising, papaligoan at kakain kami ng sabay.

Sa nakalipas na tatlong tatlong taon. Naging independent ako. Noong araw na nalaman ng pamilya ko na buntis ako at itakwil ng sarili kong magulang. Kusa akong umalis ng bahay ng hindi nalalaman ng mga kuya ko. Alam ko kasing hindi nila ako papabayaan, at alam ko ring madadamay sila sa galit ng parents namin kapag nakialam sila. At ayaw ko nang madamay sila. Kaya minabuti kong umalis ng hindi nila nalalaman. Nagpakalayo layo ako. I withdraw all my money on my atm card. Malaki laki ang pera sa atm ko, sapat para makapag simula kasama ang anak sa sinapupunan ko.

Noong una sobra akong nahirapan kasi 15 years old lang ako back then. Lumaki sa mala prinsesang buhay, walang alam sa mga bagay bagay. Mabuti na lang at may tumulong sa akin. Nasabi ko noon, mabait talaga ang diyos, kasi kahit feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa, hindi niya ako pinabayaan at may tao pa rin siyang ginawang instrumento para matulungan ako sa bago kong buhay.

Sobrang hirap ako sa pag aadjust. Walang araw na hindi ako umiiyak dahil hindi ako sanay sa bagong buhay ko. Pero pinilit kong bumangon, isa pa, kasalanan ko rin naman kung bakit ako napunta sa sitwasyon na ito. Pero nang dumating sa buhay ko si Zaiah, nawala lahat ng pagsisisi ko. It turns out all is worth it. Naging masaya ako, pakiramdam ko buong buo ang pagkatao ko nang dumating sa akin si Zaiah. Parang nawala na parang bula ang hinanakit ko sa ama niya.

Oo, nasaktan ako sa ginawa ng mga magulang ko. Naisip kong mas importante pa pala sa kanila ang apilyedo kaysa sa anak nila. Pero hindi ko sila masisisi. I am the one who's responsible for the consequences of my wrong doings. Iyon ang isa sa dahilan kung bakit mas pinili kong magpakalayo layo. I cut my contacts with them. Nagbago ako ng number, deleted lahat ng social media accounts ko. Gusto kong maging the best na nanay sa anak ko, para hindi naman niya maisip na nabuntis na nga ako sa murang edad, wala pa akong kwentang ina.

"Aling Ester, iiwan ko po muli si Zaiah sa inyo, ha," panunuyo ko kay aling Ester, ang taong tumulong sa akin noon.

Pagkatapos kong manganak, bumalik ako sa pag aaral, nag apply ako sa isang scholarship ng school. Luckily, nakapasa ako kaya libri akong nakakapag aral. In return, I have to assist the librarian. Habang nag aaral naman naisip kong mag hanap ng sideline. Hindi sapat ang na withdraw kong pera para buhayin kami ng matagal ng anak ko. Kaya naghanap ako ng trabaho, any work will do basta marangal. Pumasok ako bilang waitress ng isang resto, dishwasher, cashier para lang kumita. Wala akong ibang maaasahan sa mga nagdaang taon kung hindi ang sarili ko, kaya nag sikap ako kahit mag trabaho pa ako overnight.

Ngayon iisa na lang ang trabaho ko. Gusto ko kasing mag laan ng oras para sa akin ko. I'm tutoring a high school student, malaki ang sahod.

"Oo naman. Akin na si Zaiah," Ani aling Ester at kinuha sa akin ang anak ko.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon