FOURTY-TWO

1.1K 26 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Paalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.

Wednesday morning, umalis ako ng bahay dahil may pupuntahan ako. I drove the car on my own. Ni hindi nga ako nagpaalam na aalis ako. Bakit pa? Eh, busy naman silang lahat. Hindi rin naman nila mapapansin na nawawala ako.

"Sheena! Nako, napadalaw ka! Buti naman." Sinalubong ako ng yakap ni Shelly nang makita niya ako. "Kumusta ka na?" tanong niya nang maghiwalay kami.

"Okay naman. Nami-miss ko kasi dito kaya naisipan kong tumakas para makapunta rito." Napahagikgik pa ako.

"Loka ka! Kaya pala wala kang kasamang driver at bodyguards kasi tumakas ka!"

Nginitian ko lang siya. "Hindi rin naman ako magtatagal."

"Tara sa loob." Inangkla niya ang isang kamay sa braso ko at mahina akong hinila papasok sa bahay nila.

Nilibot ko ng tingin ang bahay nila. Wala pa ring pinag-bago. Na-miss ko rin 'tong bahay nila.

"Mag-isa ka lang ba rito?" nagtatakang tanong ko nang mapansing tahimik ang bahay.

"Oo. Nasa palengke si nanay samantalang si Jay ay mag ensayo ng taekwon-do. Sa susunod na linggo kasi ay lilipad siya papuntang Korea dahil may laban siya," sagot ni Shelly habang nasa loob ng kusina.

Magkasabay namang namilog ang nga mata at bibig ko. "Totoo? Grabe ang galing talaga ng kapatid mo, Shelly. Pang-international na."

Bumalik siya sa sala na may dalang juice at sandwich. Nilapag niya ito sa maliit na mesa na gawa sa bamboo.

"Tama ka. Kaya huwag kang mabibigla, ha, kung makita mo siya sa TV na ini-interview ng taga ibang bansa." Tumawa siya.

"Hindi na nakakabigla 'yon, Shelly. Doon naman talaga ang punta ng kapatid mo. Masaya ako para sa kaniya."

"Ako rin. Kumain ka muna." In-offer niya sa akin ang isang baso ng juice.

Kinuha ko ang baso at uminom ng kaunti.

"Hindi rin ako magtatagal, Shelly. Nandito lang ako para ibigay ang invitation para sa birthday ni Zaiah." Kinuha ko sa bag ko ang kulay pink na invitation card at inabot sa kaniya. "Sana makapunta kayo nina Jay at Along Ester. Matutuwa si Zaiah kapag nakita kayo."

Nakangiting tinanggap ni Shelly ang invitation saka agad na binuksan. "Wow! Ang bongga naman ng inaanak ko, Sheena! Sigurado malaking party 'to?"

Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot pa. Sandali akong nakipag-kwentohan kay Shelly bago ako nagpaalam na aalis na.

Pag-uwi ko sa bahay, sermon ni mommy at sumalubong sa akin.

"Why did you drove the car all by yourself? Alam mong hindi ka pa pro when it comes to driving! Tapos hindi ka pa nagpaalam, paano kubg naaksidente ka sa daan?!"

Napayuko na lang ako habang sinesermonan ni mommy. Akala ko ay nasa office siya. Nabigla na lang ako nang makita silang lahat dito sa bahay, ang mga kuya ko, si dad, mommy at maging si Kenzie ay naririto rin para maging witness ng paninermon ni mommy sa akin.

Nakakahiya dahil nandito si Kenzie.

"Hon, huwag mo ng pagalitan ang bata. Okay naman siyang naka-uwi. Saka isa pa, huwag mo siyang sermonan sa harap ng boyfriend niya."

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon