SEVENTY-SIX

557 14 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

HINDI AKO KOMPORTABLE SA LOOB NG SASAKYAN! Feeling ko gusto ko nang bumaba. Sana isang kilometro na lang ang layo ng school ni Zaiah sa school ko para naman may kausap ako ngayon at hindi mukhang loner. Pero mas gusto ko na lang bumaba kasi naa-out of place ako sa loob. 

Si Primo ay nagkukwento kay Kenzie ng kung anu-anong mga bagay tungkol sa kaniyan na kaagad namang sinusuportahan ni Iris. Talagang gusto niyang i-bida ang anak niya kay Kenzie. Ngunit si Kenzie, makikita sa kaniyang mukha na tila sinasabayan niya lang si Primo. Kilala ko ang itsura niya kapag interesado siya sa pinag-uusapan.

"How long have you been in a relationship?" tanong ni Iris na hindi ko inaasahan.

Nagkatinginan kami ni Kenzie at siya ang sumagot.

"Not that long," simpling aniya.

"Wait. Don't tell me hindi kayo nagce-celebrate ng monthsaries?" hindi makapaniwalang tanong niya kuno. 

"We don't," kaswal na sagot ni Kenzie.

"And it's okay to the both of you? Especially sa 'yo, Sheena?"

Palihim akong napa-ismid sa sinabi niya. 

"Why? Ngayon ka lang ba nakarinig ng couple na hindi nagce-celebrate ng monthsaries?" tanong ko, pinipilit maging kalmado ang boses kahit na naiinis ako sa kaniya.

"Yeah! Every couple celebrates their monthsaries. The boyfriend surprises their girlfriend every monthsaries with high value things, chocolates, flowers and other stuff. Hindi ba nagawa ni Kenzie sa 'yo 'yon, Sheena?" behind her mahinhin voice hides mockery which made my blood boil.

I calm myself by slowly taking deep breathes. God! She's really getting into my nerves.

"He did. To tell you, Iris, hindi kailangan ng monthsaries para sorpresahin at regalohan ang taong mahal mo. Yes, we don't celebrate monthsaries because we celebrate our relationship everyday. Araw-araw, Kenzie never failed to show me and make me feel that I am special and he loves me. Kahit nga walang special occasion ay sinu-surprise niya ako. Everyday, pinaparamdam namin sa isa't isa kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Kasi kapag mahal mo ang isang tao, araw-araw mong ipaparamdam sa kaniya na nandiyan ka lang palagi sa tabi niya, na hindi siya mag-iisa kasi he will always have you shoulder to lean on, sinusuportahan sa lahat ng bagay. Also, I don't need expensive things, chocolates and flowers o kung ano man ang mga kachu-chu-han ng ibang couples diyan." Tumingin ako kay Kenzie na noon ay nakatingin sa daan habang may pilit tinatagong ngiti sa mga labi. "'Yong alam ko lang na mahal niya ako ay sapat na sa akin," dagdag ko habang nakatitig sa kaniya.

Hindi ko kailangan bilangin ang araw, linggo at buwan na lumipas para lang sukatin kung gaano na katagal ang aming relasyon. Kasi para sa akin, hindi sa tagal nasusukat kung gaano na katibay ang relasyon ninyo, kung hindi sa mga problema na sabay ninyong pinagdaanan at nalampasan. Yeah, maybe my relationship with Kenzie hasn't been very long yet, pero marami na kaming napagdaanang problema na nalampasan namin nang magkasama. 

Nangibabaw naman ang nanunuyang tawa ni Iris. "That's preposterous. Sinasabi mo lang para paniwalain ang sarili mo na okay lang kahit walang monthsary celebration. Lahat ng babae, Sheena, pare-pareho ng gusto."

Napatingin ako kay Iris sa rearview mirror matapos marinig ang kaniyang sinabi. Iiling-iling pa siya habang natatawa. Ano bang gustong palabasin ng babaeng 'to? Baka ang tinutukoy niya ay ang sarili niya?

"Well, thank goodness Sheena is not that kind of woman." Napatingin ako kay Kenzie nang bigla siyang magsalita. "She knows how to appreciate small things and efforts. And I think that is the characteristic a woman should possess, learn how to appreciate small details rather than big ones."

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon