THIRTY NINE

1K 20 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Dumiritso ako sa kwarto namin. Nararamdaman ko ang pagsunod ni Kenzie. Kumuha ako ng tuwalya saka pumasok sa banyo. Napasandal ako sa pinto nang maisara ko ito. Naninikip ang dibdib ko.

Kung gano'n, ipaliwanag mo sa akin kung bakit naghalikan kayo ni Iris no'ng nagpunta ako sa inyo?!

Kung gano'n ay may ibang babae na siyang nahalikan. Hindi ko alam kung bakit ang sumisikip ang dibdib ko dahilan doon. Matagal nang nangyari 'yon. Hindi pa kami magkakilala ni Kenzie nang mga panahon 'yon. Pero bakit ang sikip sa dibdib? At bakit may pumapatak na luha sa mga mata ko?

Naramdaman ko sa aking likod ang pagkatok ni Kenzie sa pinto ng banyo.

"Mimi?" tawag niya sa akin mula sa labas.

Pinahid ko ang aking luha. Huminga ako ng malalim saka binuksan ang pinto. Kaswal ko siyang hinarap. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Kenzie.

"Let's talk."

"About what?"

"About what happened?"

"Which part?"

Natahimik siya sandali. Tinitigan ko siya, naghihintay ng sasabihin niya. Nakita kong umigting ang panga niya.

"Why did you let him kiss you?" may halong galit sa boses niya.

Hindi makapaniwalang pinangunotan ko siya ng noo. "Sa tingin mo ay ginusto ko ang pag-halik niya sa akin?"

"Bakit hindi mo siya iniwasan? Alam mo naman na muntik ka na niyang gahasain." Galit na siya.

"Huh! Saan ba nanggagaling iyang galit mo, Kenzie? Sa halik pa ba na hindi ko ginusto o kay Iris?" Nagsisimula na ring mamuo ang galit ko.

Hindi siya makapaniwalang natawa. "Bakit naman nasali si Iris dito? Ikaw at si Joros ang pinag-uusapan natin dito, Sheena. Huwag mong ibahin ang usapan."

Bigla ay nalilito ako. Hindi ko na alam kung ano ang ugat ng pinag-aawayan namin. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya.

"Hindi ko iniiba ang usapan, Kenzie. Bakit ka ba nagagalit sa akin? Dahil hinalikan ako ni Joros? Hindi ko ginusto 'yon. Kinabig niya ako at bigla na lang hinalikan," pagpapaliwanag ko. "Sino si Iris? Bakit wala kang nabanggit sa 'kin tungkol sa kaniya? At bakit mo nilihim sa akin na magkaibigan pala kayo ni Joros noon at ngayon ay may alitan kayo?" Ako naman ang naghihimutok.

Nakita ko siyang natigilan. Pero walang pinagbago ang reaksyon ng mukha niya.

"Dahil hindi mo na kailangan malaman 'yon," sagot niya.

"Hindi ko kailangan malaman? Bakit? Wala ba akong karapatang malaman 'yon? Si Joros na ama ng anak ko at ikaw na boyfriend ko ay may pinagsamahan at alitan noon? Kung ganoon ay wala lang pala ako para sa 'yo dahil wala akong karapatang malaman ang nakaraan mo?" May hinanakit sa boses ko. Noon lang nagbago ang reaksyon ni Kenzie. Lumambot bigla ang mukha niya.

"Naiipit ako sa sitwayon n'yo ni Joros. Nasira ang pagkakaibigan ninyo dahil sa isang babae, tapos ngayon parang nauulit ang nangyari noon dahil ex ko si Joros at may anak kami at boyfriend kita. Mas lalong lalala ang alitan ninyo, ang galit niya sa 'yo dahil may relasyon tayo."

Naglakad ako patungo sa sofa at umupo roon. Nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa nangyayari. Gusto ko na lang umiyak sa mga nalaman ko ngayon.

"Nahihirapan akong intindihin ang nangyayari, Kenzie. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ni hindi ko nga alam kung kilala nga ba kita ng lubosan," parang nanghihina kong sabi.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon