Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimHindi ko alam kung saan kami pupunta ni Kenzie. Pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Siya ay focus lang sa pagmamaneho samantalang ako, bahagya kong hiniga ang upoan ko at nakatanaw lang sa dinadaanan naming.
Mayamaya,y napansin ko na papalabas na ng Laguna ang tinatahak naming daan. Nagtataka ako ngunit nanatili lang akong tahimik.
Baka trip lang mag-joy ride ni Kenzie, ang kaibahan lang ay pareho kaming dalawa na tahimik sa loob ng sasakyan, walang joy. Isa pa, sabi naman niya kahit saan daw kami magpunta ay okay lang basta kasama niya ako.
Ehhhhh!
Palihim akong napangiti sa naisip ko. Ako rin naman, ayos lang kung saan niya ako dalhin, basta siya ang kasama ko.
"Where here."
Dahil sa tagal naming bumyahe, hindi ko na napansin ang oras at kung ilang oras kaming nasa daan. Lutang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakayan. Kaya nagitla ako nang magsalita siya.
"Hmm?" Inayos ko muna ang upoan ko saka sumilip sa labas. Bumilog naman ang bibig ko sa nakikita kong tanawin sa labas.
"Let's go," ani Kenzie na naunang bumaba ng sasakyan.
Hindi na ako naghintay pa na pagbuksan niya ng pinto dahil dali-dali rin akong lumabas para Makita ng buo ang pinuntahan naming. Inabot ni Kenzie ang kamay niya sa akin na akin naming tinanggap.
"Wow!" bulalas ko dahil sa sobrang ganda ng paligid. Bahagya akong hinila ni Kenzie sa paglalakad habang ako ay halos mahilo na sa kaka-ikot ng paningin sa paligid.
White sand, blue water, fresh air. I just realized, this is what I needed for the past days, some place where I can relieve stress. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagyakap ng hangin sa aking katawan. Napangiti ako.
Napatingin ako sa paanan ko nang maramdaman ang pinong buhangin na akin nang inaapakan. Mas lalong lumapad ang aking ngiti at tinanggal ang school shoes ko at binitbit ito. Binitawan ko ang kamay ni Kenzie saka tumakbo papunta sa may dagat. Pakiramdam ko biglang nagging masigla ang mga cells ko, ang gaan ng pakiramdam ko.
Dahan-dahan kong binuka ang mga braso ko kasabay ng pagpikit ko ng aking mga mata. I wanted to feel the light atmosphere of this place. Slowly, I feel like I am being enveloped by the beach's serenity.
"What are you doing?" tanong ng isang bagaman natatawa ngunit musika sa aking pandinig na boses.
"I am relieving stress. I am refreshing my stress soul," sagot ko habang nakapikit pa rin.
"Oh, well."
Sandali akong nastatuwa sa sunod kong naramdaman bagaman nakapikit pa rin. Naramdaman ko ang pagpulopot ng dalawang braso sa magkabilang bewang ko at ang paghilig ng ulo sa aking balikat, naamoy ko rin ang kaniyang pabango na nanunuot hangang puso.
"What are you doing?" nagtataka kong tanog, dilat na ang mga mata at ang mga braso ay nakababa na.
"Helping you relieve your stress, and I'm also relieving my stress," malumanay niyang sagot habang nakayakap pa rin sa akin.
"What?"
Humarap siya sa akin, nakayakap pa rin. "You're my remedy remember?" Muli siyang yumakap sa akin. "And hugging you like this... feels like all my burdens and my stress are lifting."
Natameme ako dahil sa mga sinabi niya, lalo na ang ginagawa niya ngayon. And I swear, alam kong nararamdaman niya ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Sa sobrang bilis, halos manikip na ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...