SIXTEEN

2K 39 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim


Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin namin nahahanap ang anak ko. At sa bawat oras na nasasayang dahil wala pa ring nakikitang lead kung nasaan ang anak ko, parang may kutsilyong isa isang tinutusok sa puso ko. Bawat oras na pumapatak, mas tumitindi ang pangamba ko. Hindi ako makatulog ng maayos, hindi ko magawang kumain, magpahinga at nag momokmok lang ako. Iniisip kung ano nang nangyayari sa anak ko. Hindi ko maiwasang isipin na paano kung sinasaktan nila ang anak ko? Paano kung nagugutom siya? Sobrang daming larawan ng anak ko ang lumilitaw sa isipan ko.

Hindi ako umiyak, hindi ako nag pakita ng kahinaan. Hindi namin makikita si Zaiah kung mag papadala ako sa bugso ng damdamin ko. At nakikita ko namang lahat kami na nag mamahal kay Zaiah ay nag aalala at gusto nang makita siya. Kaya tulong tulong kami sa pag hahanap sa kanya. Nag pakalat kami ng larawan niya sa internet. At kung saan saan kami nakarating para hanapin siya. Wala na akong ibang maisip ngayon kung hindi ang anak ko. Alalang alala na ako sa kanya. Gusto ko na siyang makita at mayakap at mahalikan. I miss my baby so much.

"Sheena, kumain ka muna," sambit ni Shelly

Walang buhay ko siyang tinignan "Hindi ko kayang kumain, Shelly. Hanga't hindi ko nakikita ang anak ko, hindi ako kakain," walang buhay ko ring sabi

Napa buntong hininga naman siya "Magkakasakit ka na niyan, Sheena."

Tahimik lang akong nakaupo sa sofa. Wala akong ganang mag salita. Wala akong gana sa lahat ng bagay. My daughter is missing, hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Pakiramdam ko napaka walang kwenta kong ina. Kung alam ko lang na ganito ka sakit ang balik ng pagiging masaya ko noong namasyal kami ni kuya. Sana binawasan ko ang saya ko ng araw na 'yun.

Naramdaman kong namamasa ang pisngi ko. Hinawakan ko ito at noon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako.

I am crying.

Ilang araw nang nawawala ang anak ko pero hindi ko magawang umiyak. Parang pinipigilan ako ng konsensya ko na umiyak.

Biglang bumuhos ang mga luha ko nang naramdaman ko ang mga bisig na yumayakap sa akin ngayon. Pareho kaming dalawa, hindi makatulog, hindi makakain kakaisip kay Zaiah. Siya na ang tumayong daddy ni Zaiah kaya alam kong sobra rin siyang nag aalala ngayon. Ramdam ko rin ang eagerness niya na mahanap si Zaiah.

"Sssshhh, we'll find her. Tahan niya," malambing niyang pagpapatahan sa akin.

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak habang yakap siya. Naramdaman kong mahapdi na ang mga mata ko at wala na akong mailuha pa. Ngayon ko lang rin naramdaman ang pagod ko, ang antok at gutom. Ngunit sa tingin ko ay hindi ko talaga magawang lunukin ang pagkain ngayon.

-

Lahat kami ngayon ay nag aalala para sa anak ko at lahat kami pinag darasal na sana makita na ang anak ko. Lumipas na naman ang isang araw pero wala pa ring lead si kuya Sam. Maging siya ay hindi rin nag papahinga makahanap lang ng lead ng kinaroroonan ng anak ko. Maging si kuya Sic ay tumutulong rin. Lahat kaming nag mamahal sa anak ko ay nag tutulungan na mahanap siya. Pero bawat pag patak ng oras, para akong napanghihinaan ng loob, ngunit kapag naiisip ko naman ang anak ko, bumabalik ang lakas ko at ang eagerness na makita siya.

Shit! Whoever took my daughter. Siguraduhin niya lang na walang galos na makikita sa balat ng anak ko. Siguraduhin niya lang na pinapakain niya ang anak ko, dahil kapag hindi. He/She will face my wrath.

Para akong nabubuhay na walang buhay. A live body but without soul. Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Hindi ako pinapatahimik ng isipan ko, ng pangamba, ng takot, maging ng konsensya. Katulad ngayon, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng mansyon ng mga Montemayor ngunit nasa loob pa rin ng BMW ni kuya Sic na itinakas ko kanina. Umalis ako ng bahay ng hindi nila alam. Nakita ko lang ang susi sa mesa kanina kaya kinuha ko ng hindi nag papaalam. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Sinulyapan ko ang labas ng mansyon. Bakit dito ako dinala ng pagmamaneho ko?

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon