EIGHTY-FOUR

784 15 10
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

"Do you need anything?" tanong ni ate Lenna.

Umiling lang ako.

"Okay. Just tell me if you need anything," aniya na sinagot ko lang ulit ng tango. 

Umayos ako ng pagkakasandal sa unan na inilagay ni ate Lenna sa likod ko saka tumingin sa labas. Mayamaya ay napabuntong-hininga ako. Mula rito sa loob ay makikita ang magandang panahon sa labas. At sana, kagaya ng ganda ng panahon ay gano'n din kaganda ang mood ko, lalo na't may maganada akong balita na natanggap. Pero sa bigat ng nararamdaman ko, kahit ang pinakamagandang good news ay hindi mapapagaan ang loob ko. 

Hangang ngayon ay hindi ko pa rin maunawaan kung paano niya nagawa sa akin 'yun. Gusto kong isipin na panaginip lang lahat ng narinig ko at kaya ako nandito sa ospital ngayon ay dahil lang buntis ako. Pero ilang beses naman akong sinasampal ng katotohanan na pinagtaksilan ako ni Kenzie at paulit-ulit niyong tinutusok ang puso ko. 

Nakakawalang gana. Parang mas gusto ko na lang na mapag-isa at umiyak nang umiyak hangang sa wala na akong mailuluha pa.

Napatingin ako sa may pintoan nang bumukas ito at sunod-sunod na pumasok ang parents ko kasama ang anak ko na patakbong lumapit sa akin.

"Mimi," magiliw na aniya. 

Bahagya akong napangiti sa pagdating nila.

"How is she, Lenna?" tanong agad ni Mommy kay ate Lenna.

"Ahm. She's fine now, Tita. She's over fatigue that's why she passed out. But, as what I've said, she's fine now and all she need to do is rest," kaswal na sagot ni ate Lenna kay Mommy na para bang iyon lang talaga ang rason kung bakit ako nawalan ng malay.

Tumango-tango naman si Mommy. "That's good to hear. Thank you for taking care of my daughter, Selenna."

"No problema po, Tita. Sheena is not just my patient, she is also like a sister to me," sincere na tugon ni ate Lenna saka tumingin sa akin. "Anyway, maiwan ko muna kayo. May pasyente pa akong naghihintay."

Nang lumabas si ate Lenna, saka naman sila lumapit sa akin. 

"Kumusta na ang pakiramdam mo, baby?" malumanay na tanong ni Daddy.

"Okay lang po," matamlay kong sagot.

"Sa susunod, Sheena, don't stress yourself too much. We were so worried about you," ani Mommy sa nag-aalalang boses.

"Sorry kung pinag-alala ko kayo, Mommy, Daddy," sinserong sabi ko.

"It's okay. Sa susunod, kung hindi mo na kaya, pahinga ka lang," tila makahulugang payo ni Mommy sa akin. 

Hindi ko alam kung bakit ako natigilan sa payo ni Mommy, pero naramdaman ko na lang ang pag-iinit ng mga mata ko. Sana 'yung sakit na nararamdaman ko ay pwede ko lang din ipahinga tapos kapag nakapagpahinga na ako ay okay na, mawawala na 'yung sakit. 

"Where's Kenzie? Hindi ba siya nagpunta rito?" tanong ni Mommy habang nagbabalat ng apple.

Literal akong natigilan kasabay ng paninikip ng dibdib ko. Nakakatawa. Kung dati, sa tuwing maririnig ko ang pangalan niya ay napapangiti ako. Pero ngayon, parang ayaw ko nang marinig ang pangalan niya. 

Si Kenzie 'yung lalaking bumuo sa akin pero hindi ko inaakalang siya rin pala ang muling wawasak sa akin.

"Hindi po siya nagpunta rito, eh," mahina, walang buhay kong sinabi.

"Alam na ba niya na nandito ka?"

Umiling ako. Ni kahit ang pag-iling ay parang sobrang nakakatamad.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon