Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimAyaw ko ring ituring na kaagaw si Primo sa oras at atensyon ni Kenzie kasi bata lang naman siya, inosenti pa sa mga nangyayari. Pero simula nang lumabas ang result ng DNA, halos wala nang oras si Kenzie sa amin, sa akin na girlfriend niya. Kahit paulit-ulit kong sabihin na naiintindihan ko pero lumalabas pa rin 'yung selos ko. Kami lang naman kasi dati, eh. Si Zaiah walang kahati sa atensyon ni Kenzie. Isang tawag lang ng anak ko, isang hanap niya lang kay Kenzie, nasa bahay na agad siya. Palagi siyang may oras sa amin, kahit sobrang busy pa niya sa trabaho. Kapag sinabi niyang babawi siya ay tototohanin niya.
Pero ngayon hindi na. Sinabi niya kahapon na susundoin niya kami ni Zaiah kasi babawi siya pero mabuti na lang hindi ako umasa sa sinabi niya at hindi ko sinabi kay Zaiah. Katatawag lang niya para sabihing hindi tuloy ang pagbawi niya ngayon dahil dumating daw sa condo niya sina Primo at Iris at ayaw siyang paalisin ni Primo.
Kahit kailan ay wala akong laban kay Primo, sa tunay niyang anak.
"Okay lang, naiintindihan ko," ang nasabi ko sa kaniya sa kabilang linya.
"I'm really sorry, Mhie-"
I cut his words. "Huwag kang mag-sorry. Hindi ka dapat nagso-sorry dahil lang sa pakiusap ng anak mo na huwag kang umalis. Anak mo siya at sa kaniya ka mas kailangan bumawi."
Narinig ko siyang malalim na bumuga ng hangin. "I'm really sorry. Alam kong palaging na kay Primo na ang atensyon ko. And I'm thankful for your understanding, Mhie. I really wanted to spend time with you and my daughter again, kaya lang bigla na lang sumusulpot sina Iris sa condo o hindi naman kaya ay tatawag sila bigla. I missed you a lot."
"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo kay Primo. Pero sana, Kenzie, si Primo lang ang dahilan kung bakit nawawalan ka ng oras sa amin. Paulit-ulit kong tatanggapin 'yon," seryoso kong sabi.
"What are you saying?" nahihimigan ko sa boses niya ang pagtataka.
"I'm just saying na sana huwag kang gumawa ng dahilan para ma-trigger si Mommy at ituloy 'yung plano niyang ilayo kami ni Zaiah sa 'yo," seryoso pa rin ang pagkakasabi ko.
"Mhie, tungkol ba 'to kay Iris? Iniisip mo bang sasaktan kita?"
"Nasasaktan mo na ako, Kenzie," pamamrangka ko. "Pero okay lang kasi kay Primo mo naman inilalayaan ang oras mo, at sana lang kay Primo mo lang talaga inilalayan ang oras mo at hindi sa ibang bagay," makahulugang dagdag ko.
"Mhie, wala ka bang tiwala sa akin?"
"Meron. Pero sa nanay ng anak mo ay wala."
Narinig kong muli siyang napabuntong-hininga sa kabilang linya. "Mhie, believe me. I'm only doing this for Primo. And I promise you, ikaw lang 'yung mahal ko, kayo ni Snow. Kahit nalaman nating may anak na pala ako, Snow will always be my daughter. We will always be a family, Dada, Mimi and Snow, 'di ba? Wala na akong ibang babae na gustong makasamang bumuo ng sariling pamilya kundi ikaw lang. And it will always be you, Mhie. Please, trust me."
Napayuko ako sa aking narinig. Kahit pa gaano ka assuring 'yung boses niya, hindi ko maialis sa sarili ko ang pangamba. Nagiging paranoid na ako, hindi naman ako ganito dati.
Pagkababa ko ng tawag ay napabuntong-hininga ako. Weekend today at hindi ko alam kung ano ang pagkakabalahan ko. Si Zaiah kasi ay ipinasyal ni Kai, pumunta siya rito kanina at kinaha si Zaiah. Nakakagulat nga ang biglaan niyang pagsulpot dito gayong hindi naman na siya halos umuuwi sa mansyon nila at palaging nasa condo niya.
"Miss Sheena, meryenda ninyo po," sambit ni ate Mel saka nilapag sa pabilog na mesa dito sa garden ang plato na may banana cue.
Kumunot ang noo ko na napatingin sa banana cue. Pinalubo ko ang aking bibig at animo'y chine-check ang banana cue. Nakapagtataka lang dahil madalas kapag may nakahaing banana cue sa harap ko ay agad ko itong sinusunggaban. Ngunit ngayon ay tinignan ko lang ito saka ngumiwi.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...