EIGHTY-TWO

624 14 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

"Need some help?" nangibabaw sa matiwasay kong paghuhugas ng pinagkainan ang nakaka-inis niyang boses mula sa aking likuran.

Napa-ismid ako sabay sinabing, "No need."

"Okay," parang ibinuga lang na hangin ang pagkakasabi  niya. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na pinagkrus niya ang mga kamay. "You know what. It is really a puzzle to me kung bakit gano'n ka na lang kamahal ni Kenzie. I mean, nagagawa niyang baguhin ang sarili niya para sa 'yo. I wonder kung anong ginawa mo para lang mahalin ka niya ng sobra, eh, may anak ka na naman sa ibang lalaki," nanunuya niyang sabi.

Muntik ko nang mabasag ang plato na hinuhugasan dahil napalakas ang pagkakalapag ko nito matapos ang sinabi niya. Habang patagal nang patagal ay mas lalong hindi ko na nagugustohan pa ang mga sinasabi ng babaeng 'to, sumusobra na siya sa pang-iinsulto sa akin.

"So, anong gusto mong palabasin?" kalmado ko pang tanong.

Maarte naman niyang hinawi ang buhok sa gilid ng mukha. "Hindi ako 'yung taong maraming pasikot-sikot, Sheena. So I'll go straight to the point." Sa isang iglap ay nanlilisik ang kaniyang mga mata na tumingin sa akin. "Kenzie doesn't deserve someone like you kaya leave him alone. Hindi ang isang katulad mo na maagang lumandi ang nararapat para sa isang katulad niya!" may diin niyang sinabi.

Unti-unting kumuyom ang mga palad ko na nasa magkabilang gilid ko at seryoso siyang tinitigan. "Anong karapatan mo para sabihin sa akin 'yan? At sino sa tingin mo ang nararapat kay Kenzie? Ikaw? Huh! Sinasabi mo sa akin ngayon na hindi ako nararapat kay Kenzie kasi maaga akong lumandi? Eh, ikaw ba? 18 years old ka lang din no'ng nabuntis ka, 'di ba? Wala tayong pinagka-iba dahil pareho lang tayong nabuntis sa maagang edad."

"Huwag mo akong itulad sa 'yo, Sheena, dahil napakalaki ng pagkakaiba natin."

"Tama ka. Malaki nga ang pinagkaiba natin. Nabuntis ako ng boyfriend ko pero ikaw, nabuntis ka ng lalaking walang pagmamahal sa 'yo. At ngayon bumalik ka, para ano? Para ipagsiksikan ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal? Sigi, sabihin na nating may anak kayong dalawa. Pero, Iris, anak lang ang lamang mo sa akin, pero ako at ang anak ko ang itinuturing niyang pamilya. Huwag mong ipamukha sa akin na hindi ako deserve ni Kenzie dahil kahit ikaw ay hindi rin niya deserve. At hindi ikaw ang makakapagsabi kung sino ang para sa kaniya."

Ramdam na ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko ngayon at ang mabilis na paghinga ko. Nanginginig din ang buo kong kalamnam. Gusto kong manapak sa totoo lang dahil pakiramdam ko 'yun lang ang paraan para kumalma ako. Pinapakulo talaga ng babaeng 'to ang dugo ko. Hindi ko gusto ang insultohin siya pero sinimulan niya ako. Hindi naman ako papayag na basta-basta na lang niya akong insultohin.

Kitang-kita ko rin ang pagkibot ng bibig niya at ang pagkuyom ng palad niya. Ang kaniyang matalim na titig ay sinasalubong ko rin ng matalim na titig. Tila may invisible na kuryente ang namamagitan sa aming dalawa. 

"Is everything alright?" 

Naputol lang ang matalim na titigan namin sa isa't isa nang mangibabaw sa kusina ang tinig ni Kenzie. 

Tumingin ako kay Kenzie saka pilit na ngumiti upang ipakita sa kaniya na ayos lang. "Yes." Saka ako muling tumingin kay Iris na inirapan ako. 

"By the way, ihahatid ko na kayo ni Snow. She's already asleep," ani Kenzie.

"She is?"

"Mm."

"Okay. Taposin ko lang 'to."

"Okay. Oo nga pala, Iris. Primo is sleepy, gusto na niyang umuwi," kaswal na sabi ni Kenzie.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon