LAST CHAPTER

1.5K 19 6
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

"Wala ba talagang nangyari sa inyo ni Iris nang gabing 'yon?" tanong ko sa hindi na mabilang na beses habang nasa balkonahe kami kinagabihan, nakatanaw sa syudad kung saan animo'y mga bituin ang nagkikislapang mga ilaw mula sa mga establisyemento at street lights, mga ilaw ng mga sasakyan at iba pa.

"Mhie, wala," pabuntong-hiningang sagot ni Kenzie sa hindi na rin mabilang na beses, hinahabaan pa ang kaniyang pasensya dahil sa paulit-ulit kong tanong. "Ni isang beses ay walang nangyari sa amin," may assurance sa boses niya.

Napabuntong-hininga naman ako. "I'm sorry for asking so many times. Hindi ko alam kung paano ko papakalmahin ang sarili ko," natawa ako, "hindi naman sa may trust issues na ako. Hindi ko lang talaga mapanatag ang sarili ko."

"It's okay, Mhie, it's okay," malumanay na aniya habang marahan na hinahaplos ang likod ko.

Tumingin ako sa kaniya. "Si Primo. He's not your real son. He's just an adopted son of Iris," sambit ko.

Ngunit hindi man lang kakikitaan ng gulat ang kaniyang mukha. "I know."

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Did they told you already?"

"Yes," tango niya. "But with or without the DNA, I know that he's not my son. Kasi hindi ko naramdaman 'yung lukso ng dugo na sinasabi nila. Totoo, magaan ang loob ko sa bata pero hindi ko maramdaman na gusto kong magpakaama sa kaniya. Because I know, that kid is not my flesh."

"Nakita mo na ba si Iris?"

"No, I haven't, after nang nangyari sa office." Ang tinutukoy niya ay no'ng gabie na muntik nang siya ang gahasain ni Iris. "Pero pinagdarasal ko na sana ay hindi ko na siya makita pa. Kasi kapag nagkrus ang mga landas namin, hindi ko alam ang magagawa ko," matigas na sambit ni Kenzie.

Nakita ko ang pagigting ng panga niya. Galit siya kay Iris. Kaya naman hinawakan ko ang isang kamay niya saka tumingin sa kaniyang mga mata. Sa gan'ong paraan ko siya pinapakalma. Mabilis namang lumambot ang itsura niya saka bahagyang pinisil ang kamay ko.

"Grabe, 'no," sabi ko saka tumingin sa malayo. "Grabe ang nagagawa ng pag-ibig. Kahit kasamaan ay kayang gawin makuha lang ang gusto. Ang toxic," iiling-iling na sambit ko.

"Yeah. If you don't know how to accept things, talagang hihilahin ka pababa ng pride mo."

Tumingin ako kay Kenzie. "I'm scared."

Bahagya namang kumunot ang noo niya. "Why?"

"Paano kung hindi pa tapos si Iris? I mean, siya 'yung klase ng babae na gagawin ang lahat makuha lang ang kahit na anong gusto niya. Paano kung balikan niya ako?" kinakabahan kong tugon.

Maagap namang sinapo ni Kenzie ang mukha ko. "No. Hindi ko hahayaan na may gawin siya sa 'yo. Okay?"

Ayon na naman ang boses niyang nakakapagpakalma sa akin. 'Yung tipong mararamdaman mong safe ka, na walang makakapanakit sa 'yo kasi handa siyang protektahan ka sa kung sino man ang gustong manakit sa 'yo.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya saka lumapit sa kaniya para yumakap.

-

It was Wednesday when I decided na pumasok na sa school. Higit tatlong linggo rin akong absent, e, 2 weeks lang 'yung finile ni Mommy na leave ko sa school. Higit isang linggo na akong absent, ang hirap pa naman mag catch up.

Ito namang kasama ko, umaga pa lang mabibingi na yata ako sa kakadada niya.

"Wala akong kasama na kumain, tapos kailangan ko pang magbayad sa cafeteria kasi wala ka, walang libri. Last week may pinagawa si Prof. Rye tapos by pair, pero sino ang pair ko, e, wala ka? Mabuti na lang talaga bumalik ka na, tagal mo magpagaling, ha," dada ni Alice habang naglalakad kami papunta sa classroom.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon