Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimJhen: HUMAYGAAAAAZZZZZ! KAMSAHAMNIDA SO SO SO SO SO SO MUCH, GORGEOUS PIPOL, FOR READING MY MAE! GOD BLESS YOU ALL ♥
P.s. Baka gusto n'yo rin po basahin ang other stories ko. Please, visit my account. Really appreciated, pipol. Kamsahamnida so maaaatsss ♥♥♥
Warning!
Jeje chapter ahead ;-)Dinala ako ni Kenzie sa tent nila. Bahagya akong nakaramdam ng hiya dahil nandito pala ang iba pa niyang kasamahan na engineer din. Pero napansin ko na ang mga kasama niyang engineer ay nasa middle age na, siya lang yata ang nasa 20's pa. Sabagay, magaling siya kaya kayang makipagsabayan sa mas nauna sa kaniya.
Iginiya ako ni Kenzie sa isang mesa na may apat na upoan. Pinaghila niya pa ako ng upoan. Busy ang lahat sa kani-kanilang ginagawa at wala silang oras upang pansinin kami, pero nakararamdam pa rin ako ng hiya sa mga kasamahan niya.
"So, what brings you here? I didn't expect na pupunta ka rito. And," tinignan niya ang loob ng paper bag na dala ko, saka siya napangiti, "what's this?"
"Ah." Mabilis kong inilabas ang laman ng paper bag. "I made you a lunch. You visited me last night in my dreams, so..." napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto ko ang aking sinabi. Oh my God! Ang daldal ko.
Naging matunog ang tawa ni Kenzie dahil sa sinabi ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa pagkapahiya. Sa isip ko'y tinampal ko na ang bibig ko dahil sa pagiging madaldal.
"Coincidence? Ikaw din ang laman ng panaginip ko kagabi. Teka, nag-usap ba tayo na dadalaw sa panaginip ng isa't isa?" Napaka-corny ng sinabi niya. At sa totoo lang ay nakakapangilabot si Kenzie dahil hindi naman siya madalas nagbibitiw ng ganoong salita.
"Ang corny mo," natatawang sabi ko. Natawa rin siya.
"What did you cooked for me?" tanong niya saka isa-isang binuksan ang mga tupperware.
"Ahm. Hindi ako sure kung magugustohan mo ba ang mga niluto ko kasi hindi ako gano'n kagaling sa pagluluto," nahihiya ko pang sinabi.
Ngunit wala akong narinig mula kay Kenzie, dahil 'ayon siya at puno na ang bibig ng pagkain. Tumatango-tango pa siya habang ngumunguya tapos ay susubo ulit. Tuloy ay napa-isip ako na baka nga masarap ang niluto ko at nagustohan niya.
"Okay lang ba?" tanong ko sa kaniya. Inabot ko sa kaniya ang tubig nang muntikan na siyang mabulonan.
Binuksan niya 'yong bottled water saka uminom. Pinanuod ko lang siyang uminom ng tubig, ngunit ang totoo ay nanunuyo ang lalamunan ko sa nakikita ko sa aking harapan. Diyos ko, bakit ang unfair naman yata? Kahit uminom lang ng tubig si Kenzie ay napaka-hot at sexy ng dating, sobrang nakakadala at mapapatitig talaga ang babaeng makakakita sa kaniya.
"This is the first time na natikman ko ang luto mo, Mimi. And I must say, mas masarap pa ang luto mo keysa luto ng isang professional chef." Nakuha pa niyang mabola.
"Tss. Tigilan mo nga ako sa pambobola mo. Oh, sigi. I'll take that as a thank you dahil pinagluto kita ng lunch."
Kumunot ang noo niya. "Hindi ako nambobola. Totoo ang sinasabi ko, Mimi. Masarap nga ang luto mo," natatawang aniya.
Tinuro ko 'yong ngiti niya. "Kita mo na. Paano kita paniniwalaan, eh, pinagtawanan mo ako."
"Because you're so cute and I love you."
Literal na tumikom ang bibig ko sa sinabi niya. Mayamaya pa'y hindi ko na kayang pigilan ang ngiti ko na gustong sumilay. Nararamdaman ko rin ang pamumula ng aking mga pisngi.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...