TWELVE

2.5K 43 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Nang mag ring na ang school bell at lumabas ang professor. Niligpit ko na ang mga gamit ko. Pinasok ko iyon sa aking back pack.

"Natapos rin sa wakas! Grabe! Ang hirap ng final exam, diyos ko. Tuyo na ang utak ko," litanya ni Alice sa tabi ko.

Ngayong lingong ito ang aming final examination. Ang hirap ng mga exam. Lalo pa sa araw na ito ay apat ang aming exam. At ang pinaka mahihirap pang subject ang tinake namin ngayon. 3 weeks na lang ay end na ng school year. Kaya busy ang lahat ng estudyante sa mga school papers na kailangan ipasa dahil malapit na ang deadline. Ako naman ay natapos na sa lahat ng kailangan kong gawin. Kagabi ko iyon pinasa through email. Grabe, ano? Maging sa pag pasa ng mga activities ay ginagamit na ng social media.

Isusuot ko na sana sa likod ko ang bag pack ko nang mag vibrate ang cellphone ko na inilagay ko sa bulsa ng aking coat.

Text galing kay Kenzie.

Where are you?

Compose message
Palabas pa lang ako ng room

Saka ko ibinalik sa coat ang cellphone at lumabas kasabay si Alice.

"Tapos mo na ba lahat ng pinapagawa ng mga professors?" tanong ni Alice

"Oo, nasend ko na kagabi," sagot ko

Napanguso naman siya "Buti ka pa,"

"Eh, bakit ikaw ba, hindi ka pa tapos? Gusto mo tulungan kita?"

"Hindi na. Isusubmit ko na lang, eh," ngumisi pa siya.

Nagpatuloy na kami sa pag lalakad hangang sa makarating kami sa may gate. Nangunot ang noo ko at nagtataka nang makitang nag kakagulo sa labas ng gate.

"Anong meron?" nagtataka ring tanong ni Alice

Nag kibit balikat ako saka nag tuloy sa pag lalakad. Habang palapit kami sa may gate. Mas lalong lumalakas ang tilian ng mga babae. May dinudumog yata silang gwapong nilalang base sa mga tilian nilang kinikilig at sa mga naririnig kong sinasabi nila.

"Grabe, sis. Ang gwapo talaga niya!"

"At ang hot pa, sis! Kyaaaahh! Kinikilig ako!"

"Ang gwapo niya sa personal."

"Kung gwapo at hot siya sa mga bachelor's magazine, mas gwapo at hot siya sa personal!"

Sino naman kaya itong pinag kakagulohan nila?

"Sino kaya 'yun?" tanong ni Alice

Hindi ko siya sinagot. Nag tuloy tuloy ako palabas ng gate. Medyo may ilang dipa ang layo ng mga babaeng nagkakagulo. Naging curious ako kung sino ang pinag kakagulohan nila, gusto ko sanang makita pero natatakpan ng mga babae na dumudumog. Tanging tuktok ng ulo niya lang ang nakikita ko.

"Gusto mo puntahan natin?" ani Alice

"Eh? Makiki dumog tayo sa mga babae na 'yan? Ayoko nga!"

Inirapan niya lang ako saka walang ano ano'y hinila ako palapit doon sa mga babaeng nag kakagulo. Ngunit tumigil ako nang mag ring ang cellphone ko.

"Sandali, sandali," sabi ko kay Alice. Huminto rin siya. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si Kenzie. Agad ko itong sinagot. "Yes?" bati ko sa kanya sa kabilang linya. Nangunot ang noo kong tinignan ang screen ng cellphone ko. Bakit ang ingay naman yata? Parang may nag kakagulo?

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon