THIRTY FIVE

1.1K 25 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

"Miss Sheena, ito na po 'yong meryenda n'yo."

Ibinaba ko ang binabasa kong libro at tumingin sa inilapag na meryenda ni manang Kristy. Agad na nagtubig ang bibig. Tumingin ako kay manang Kristy at ngumiti saka nagpasalamat. Kinuha ko ang tinidor at tinusok ang isang banana cue at isinubo. Napangiti ako nang malasahan ang pamilyar na sarap nito. Banana cue na may condensed milk, si manang Cesel lang ang kilala ko na nilalagyan ng condensed milk ang banana cue. And I guess she taught manang Kristy.

Mabilis kong naubos ang hinandang meryenda ni manang Kristy. Pumasok ako sa loob ng bahay upang silipin si Zaiah sa study room niya. Ikinuha siya nila mommy at daddy ng art teacher. Mahilig siya sa mga arts kaya naman para maypagka abalahan siya ay ikinuha na lang siya ng art teacher nang mahasa naman ang galing niya sa arts habang bata pa.

Bago ako dumiritso sa study room niya ay dumaan muna ako sa kitchen upang mag-utos sa katulong na ipaghanda ng meryenda sina Zaiah at ang kaniyang teacher. Pagpasok ko sa study room niya, naabutan ko silang nagpe-paint. Napangiti ako nang makita kung gaano kadumi ang mukha ng anak ko. Kahit na may aipron siyang suot ay nagka-paint pa rin ang damit niya. Mukhang seneryoso niya ang pag-aaral niya ng arts. Matapos kong sumilip ay umalis din agad ako sa silid na iyon. Nagtungo ako sa balkonahe. Ang haba pa ng bakasyon. May isang buwan pa bago magsimula ulit ang klase. Ang totoo ay naboboryo na ako dito sa bahay. Mabuti pa si Zaiah at may pinagkakaabalahan, samantalang ako ay kung hindi nagbabasa ay nagiikot-ikot lang sa loob ng bahay. Nakakatuwa lang isipin. Kung noon ay mas ninanais kong mag kulong na lang sa kwarto. Ngayon naman ay mas gusto ko pang magtrabaho, iyon na rin kasi ang nakasanayan ko. Gusto ko sanang hilingin kina mommy na magtrabaho muna pero ayaw ko dahil iniisip ko si Zaiah. Mas gusto kong ako ang mag-alaga sa kaniya.

-

Banayad kong hinahaplos ang likod ni Zaiah upang mahimbing na siya. It's still seven in the evening, katatapos lang din naming mag-dinner. But it looks like my daughter is tired from all those art works kaya naman nakatulog kaagad. Nang mahimbing siya ay lumabas na rin ako ng kwarto niya. Muntikan na akong mapasigaw sa gulat nang bigla kong maramdaman na may pumulupot sa aking bewang pagpasok ko ng kwarto. Kung hindi ko lang naamoy ang kaniyang pabango ay baka nasaktan ko na siya.

Naramdaman kong inihilig niya ay ulo niya sa balikat ko, yakap pa rin ako mula sa likod. Bahagya ko siyang nilingon. Ang mukha niya ay nakaharap sa leeg ko. Nakapikit siya at makikita mong pagod siya, parang mas umitim 'yong ilalim ng mga mata niya. Napangiti ako sa ganda ng tanawin sa aking balikat. Kahit pagod ay napakagwapo pa rin niya.

"Kenzie..." bulong ko

"Mm. Just a moment, Mimi. I'm so tired, I need you." Bagaman pabulong ang sagot niya, tama lang naman upang marinig ko.

Nakakaawa siya, Kaya hinayaan ko siyang manatili sa ganoong posisyon.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo nitong mga nakaraan? Mukhang pagod na pagod ka pa rin. The last time I saw you, you were in this kind of state too."

"We're saved, Mimi. Naayos na namin ang problema sa cite. In fact, estimated 2 months ay matatapos na rin ang project na 'to," mahina pa ring usal niya. Bahagya pa akong napapagalaw dahil sa kiliti na dulot ng binubuga niyang hangin na dumadampi sa leeg ko.

"M-mabuti naman," nauutal kong sagot.

Inilayo niya ang ulo sa balikat ko, kumalas din siya sa yakap. Ang akala ko ay aalis siya, 'yon pala ay ihaharap ako sa kaniya upang yakapin ulit. He rested again his head on my shoulder.

"I need a break," bulong niya.

"Mm?"

Humarap siya sa akin habang ang mga kamay ay nakapulupot pa rin sa bewang ko. Tss. I just realized, this hot and handsome Bachelor is so clingy.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon