Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimNagpasundo nalang ako sa driver at sinundo na rin namin si Zaiah sa school. Tinanong niya pa sa akin kung nasaan daw si Kenzie at bakit hindi ko siya kasamang sumundo sa kaniya.
"Busy, baby," sagot ko.
Napanguso naman siya. Hindi pa niya alam na may anak na ang Dada niya. Mahirap ipaliwanag sa kaniya sa ngayon kasi hindi pa niya maiintindihan. Pero kung sabihin man namin sa kaniya ay siguardong ikatutuwa niya kasi iisipin niyang may kapatid na siya at kalaro. Pero sa ngayon ay hindi muna dapat malaman ni Zaiah.
Pagdating namin sa bahay, nagbihis lang ako saka na-upo sa study table ko para magbasa ng notes na mga na-miss ko sa morning schedule namin na ibinigay ni Alice. Mahilig pa naman sa surprise quiz ang iba sa prof. namin kaya dapat maging ready.
Ngunit hindi pa ako nangangalahati sa pagbabasa ay nakaramdam na ako ng gutom. Parang I'm craving for something na hindi ko matukoy kung ano.
Patayo na sana ako para lumabas ng kwarto at maghanap ng makakain sa baba nang mag-ring ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nang makita na si Kenzie ito ay parang bigla akong nalungkot.
Okay na kaya si Primo? Iniwan pa naman ako ni Kenzie kasi nasa ospital siya. Sana okay na siya.
Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng aking mga mata sa aking na-isip. Nasaktan ako nang hinayaan niya lang akong bumaba sa daan para puntahan si Primo. Sabi niya ay walang magbabago, pero imposible kasi anak niya 'yung nasa ospital, eh.
I look so pathetic. Hindi ako dapat nasasakatan at umiiyak dahil lang hinayaan niya akong bumaba sa daan at inuna niya 'yung anak niya. In the first place, girlfriend pa lang naman niya ako at mas may responsibilidad siya sa anak niya. Pero hindi ko mapigilan 'yung bugso ng damdamin ko ngayon. Para bang isang-kisap mata lang ang bilis ng pagbabago ng mood ko, at hindi ko kayang kontrolin.
Pinindot ko 'yung answer button saka nilagay sa tenga ko ang cellphone. "Mm?"
"Naka-uwi ka na ba? Si Snow?" malumanay niyang sambit sa kabilang linya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang bigla na lang mag-init ulit ang gilid ng mga mata ko. Nasaktan ako kasi hinayaan lang niya ako sa daan kanina, ngunit sa kabila niyon ay natutunaw pa rin ang puso ko kapag alam kong nag-aalala siya sa akin at sa anak ko.
"Mm.Nasa bahay na kami," tango ko kahit hindi naman niya nakikita.
"Sorry kung hindi ko na kayo nahatid," sinsero niyang sinabi.
"Okay lang. Mas kailangan ka ng anak mo. Kumusta na nga pala siya?"
Narinig ko siyang napahinga ng malalim sa kabilang linya. "Hindi pa lumalabas 'yung laboratory result niya."
"Kung gano'n ay hindi mo pa siya pwedeng iwan," mahina kong sabi.
"Yeah. Naki-usap siya sa akin na huwag ko raw muna iwan ang Mommy niya."
Huwag ko raw iwan ang Mommy niya. Nag-echo sa tenga ko 'yung narinig ko. Now Primo is proving na mas matimbang siya. Sasasamahan ni Kenzie si Iris. Anak nilang pareho si Primo. Mapait akong natawa sa na-isip. They will looked like a complete family.
Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko nang isang hikbi ang kumawala sa bibig ko. Ayaw kong umiyak. Gusto kong pigilan ang sarili ko kasi parang ang OA ko pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.
"A-ah." Napahawak ako sa tiyan ko kasabay ng pagdaing nang biglang sumakit ang lower part ng tiyan ko. Dahan-dahan akong umupo sa swivel chair at sumandal. Ginawa kong komportable ang sarili ko sa pagkaka-upo. Hindi rin nagtagal ay unti-unting nawala ang sakit.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...