Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimPaalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.
"What do you think, Sheena? Barbie or Disney?" Bumaling sa akin si mommy. Sandali akong nagulat dahil sa unang pagkakataon nang simulan niyang planohin ang birthday ng anak ko, hinihingi niya ang aking opinion.
"Disney," sagot ko.
Muli niyang ibinalik ang atensyon sa organizer na kinuha niya para sa birthday ni Zaiah. Hindi na ulit kinailangan ni mommy ang opinion ko. All through out the preparation, she had all the decisions. Just like how she is in every day.
Naboboryo ko silang tinignan. Pina-tawag niya lang ba ako rito sa veranda para umupo habang sila ng organizer busy sa pagpa-plano sa birthday ng anak ko? Mayamaya pumasok si manang Kristy sa veranda habang may dalang isang bungkos ng bulaklak at isang hindi kaliitang rectangular box. Ang pagdating niya ay naging dahilan para matigil saglit ang pag-uusap nina mommy.
Nakangiting lumapit sa akin si manang Kristy at ibinigay sa akin ang isang bungkos ng tulip at ang box.
"Delivery po para sa inyo, Miss Sheena."
Magtatanong pa lang sana ako kung kanino nanggaling ang tulip at box nang may makita akong maliit na envelope na naka ipit sa gilid ng tulip. Kinuha ko iyon at kinuha ang maliit na papel sa loob.
The message says, "100 lovely tulips for my future lovely wife."
Ayaw kong itago ang totoo kong nararamdaman ngayon. Kaya gano'n na lamang kalawak ang ngiting sumilay sa aking mukha. Sinunod ko naman ang rectangular box, may pink ribbon ito at nakakatuwa dahil kulay pink din ang kulay ng mismong box. Nang buksan ko ito, gano'n na lamang ang paglundag ng aking puso nang lumantad sa harap ko ang laman niyon. Parang hinaplos ang puso ko habang iniisip kung gaano kalaking effort ang in-invest niya magawa lang ito.
Letter cookies. Sa isang tingin pa lang ay mahirap na itong gawin. Ang bawat isang cookies ay sinadyang pormaheng isang letra. At ang nakasulat ay, I'm sorry, Mimi.
Para akong maiiyak sa sobrang tuwa sa ginawa niya. I am moved for his effort. And I never knew he learned to bake.
Binalingan ko ang isang bungkos ng tulip na binigay niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, namalayan ko na lang binibilang ko na ang tulips na binigay niya. Napakunot-noo ako matapos bilangin ito. Ang sabi niya ay 100 tulips pero bakit 97 lang? Sisimangot na sana ako nang may nakita ulit akong note na naka-ipit sa pagitan ng tulips. Mas maliit ito kesa sa naunang sobre.
This time, ang nakasulat ay, "If you happened to count how many tulips in there, and wondered why there are only 97 tulips. 302, is the place where you can find the missing three."
Naibaba ko 'yong papel na hawak at napa-isip. 302? Saan namang lugar 'to? Is he giving me a riddle. But it doesn't sound like a riddle. Tsk. Mga pakulo niya!
"Mommy, aalis muna ako. I need to find something." Tumayo ako dala ang tulips at box. Dumiritso ako sa kwarto ko, nilagay ko ang box at flowers sa kama saka kinuha ang sling bag ko at muling bumaba. Nagpahatid ako kay manong papunta kina Kenzie. Baka nasa bahay lang siya.
Habang nasa byahe ay pilit kong iniisip kung saan ang 302 na sinasabi niya.
"Manong, U-turn. Sa Ashleens tayo," sabi ko kay manong nang mapag-tanto kung ano ang 302. Ang 302 ay ang condo unit niya sa Ashleens. Hindi ako maaaring magkamali dahil nahagip ng mga mata ko ang number ng unit niya noong isang beses akong pumunta roon.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...