SIX

2.7K 48 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Paalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.


Ako ang date niya sa ball? Tsk! Kanina natuwa ako pero ngayon namomroblema ako. Wala akong isusuot! Eh, lahat ng cocktail dress, classy gowns ko ay iniwan ko sa mansyon. Isa pa, sa tuwing aattend ako ng ball, pinapagawa ako ni mommy ng bagong gown. Anong isusuot ko?

"Kailan ang ball?" tanong ko kay Kenzie

"Tomorrow night," sagot niya

Natutop ko naman ang bibig ko. Hindi ako pwede tomorrow night dahil walang mag aalaga kay Zaiah. Nakakahiya naman kasi kung iiwan ko siya kay aling Ester, hindi naman kasi pwede na kahit sa gabi si aling Ester pa rin ang mag aalaga kay Zaiah. Hindi ko rin naman pwedeng dalhin siya.

"Hindi ako pwede tomorrow night,"

"Then you have to pay me," nilahad pa niya ang palad sa harap ko na animo'y humihingi ng bayad. Napatingin naman ako sa palad niya tapos sa mukha niyang seryoso.

Napasimangot na lang ako "Pwede pala ako tomorrow night," napipilitang sambit ko. Kakapalan ko na lang ang mukha ko. Sana ayos lang kay aling Ester na iwan ko si Zaiah sa kanya.

Binawi naman niya ang kanyang palad at pinag krus ang mga braso sa ibaba ng dibdib.

"Kung iniisip mo ang anak ko, pwede natin siyang iwan rito. Nandito naman si manang Elen, siya na lang ang magbabantay," suhestyon pa niya.

Umiling ako "Hindi na, kay aling Ester ko na lang iiwan si Zaiah-" but he cut my words

"Mas mapapanatag ako kung nandito sa mansyon namin ang anak ko," tapos tinalikuran niya ako, sinundan ko naman siya ng hindi makapaniwalang tingin papunta sa swivel chair niya.

Seriously? Talagang pinaninindigan ang pag cclaim niya sa anak ko?

"Mind you, Mr. Kenzie Chiu, ANAK ko ang pinag uusapan rito. At kung hindi mo alam, nag donate ka lang ng dugo but that doesn't mean na anak mo na rin siya. Dugo at laman ko pa rin si Zaiah," may diin na sambit ko.

"Mind you rin Ms. Sheena Montemayor, ang dugo na pinagmamalaki mong nananalaytay kay Snow na nanggaling sa 'yo ay ubos na, wala na, hindi na nananalaytay sa mga ugat niya. Dugo ko ang nag ligtas sa kanya. Laman na lang ang maipagmamalaki mo na nanggaling sa 'yo, pero dugo. Nah-ah!" umiling pa siya "Whether you like it you like it, Snow is my daughter," giit pa niya.

Snow? May sarili na rin siyang tawag sa anak ko? At talagang hindi magpapapigil ang lalaking ito na angkinin ang pagiging daddy sa anak ko? Ano kayang nakain nito?

"Saka bakit ka ba komokontra? Ayaw mo no'n, tayo ang parents ni Snow? May daddy na si Snow, ang gwapo ko kaya, mana sa akin ang anak ko," aniya, nagyayabang.

Naningkit ang mga mata ko. Mababaliw ako sa thoughts ng lalaking ito.

-

Nang araw na 'yun, tanghali pa lang pinauwi na ako ni Kenzie, ihahatid niya raw ako kasi gusto niyang makita ang anak ko. Ipapasyal niya raw si Zaiah. Tsk! Natatakot tuloy akong maagaw niya ang anak ko sa akin.

Nang makarating naman kami sa bahay agad niyang hinanap si Zaiah.

"Where's my daughter?" tanong niya nang hindi makita si Zaiah sa loob ng kwarto. Oo, sa kwarto siya dumiritso.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon