Mommy at Eighteen
By JlessbiiiiimJoeun achim, yeoleobun! Mianhe sa matagal na update. ENJOY READING MGA BES! ♥
Maaga akong gumising isang umaga. Kenzie was on my dream last night. He was smiling at me so sweatly, and my face literally turned red when I woke up in the middle of the night because of that dream. Kaya naisipan kong ipag-luto siya ng lunch at ako mismo ang magdadala nito sa kaniya mamaya. Hindi ko pwedeng ibigay sa kaniya ito sa umaga dahil hindi niya kami maihahatid. He texted me last night at sinabing hindi niya kami masusundo ni Zaiah dahil maaga siyang pupunta sa cite.
"Miss Sheena, ako na po kaya diyan?" Pang-ilang beses na iyong sinabi ni Manang Kristy, pang-ilang beses ko na rin siyang tinanggihan.
"Manang Kristy, para kay Kenzie po itong niluluto ko. Hayaan ninyo na po akong maghanda nito," tangi ko ulit.
Luto na 'yong beef steak kaya nilagay ko na ito sa isang maliit na tupperware.
"Pero baka ma-late po kayo sa eskwela
n'yo?" Hindi pa rin natatapos si Manang Kristy sa pagi-insist na siya na lang ang tatapos sa ginagawa ko.Hinanda ko na ang kanin sa sepparate na lalagyan.
"Vacant po ang first subject ko. Actually, isang subject lang ang klase ko sa umaga," sabi ko na noon ay nilalagay na sa paper bag ang pagkaing hinahanda ko. "Manang, baka pwedeng sabihan n'yo po si Mang Berto na ipahanda ang sasakyan para sa paghahatid kay Zaiah?" utos ko kay Manang Kristy, nang sa gano'n ay matahimik na ako rito sa kusina.
Nagdadalawang-isip naman si Manang Kristy na tumango at iwan ako sa kitchen. May dala akong ballpen at sticky note nang bumaba ako kanina. Matapos kong ipasok sa paper bag ang mga lalagyan, nag-sulat ako sa sticky note.
Enjoy your lunch, Mr. Engineer.
Love, Sheena.
Nakangiti kong tinignan ang note bago idinikit sa takip ng isang lalagyan. Bago ako umakyat sa kwarto ko para mag-handa sa school. Nag-luto muna ako ng breakfast para sa aming lahat. Since wala kong pasok sa first subject. Ako na ang nag-handa kay Zaiah para sa pag-pasok niya sa school niya. Sabay-sabay rin kaming nag-breakfast bago ako nag-handa sa pag-pasok sa school.
May driver's liscense na ako, kaya hindi na ako nagpahatid pa sa driver sa school. Pagdating sa school, dumiritso ako sa cafeteria, dala ko ang paper bag na naglalaman ng lunch para kay Kenzie.
"Hi, good morning," bati ko sa isang server na naabotan ko na inaayos ang isang lalagyan ng pagkain.
"Good morning. Anong order mo?" tanong niya sa akin.
"Ah, makikisuyo lang sana ako." Pinakita ko sa kaniya ang paper bag na aking dala. "Baka pwedeng iwan ko muna ito dito? Tapos paki-heat na rin kapag 11 am na. Kukunin ko ito mamayang lunch."
Pinangunotan ako ng babaeng server saka napa-iling.
"Pasensya na, miss. Marami kasi kaming ginagawa dito, busy ang lahat. Sa tingin mo ba ay magagawa pa naming initin 'yang dala mo? Hindi parte ng trabaho namin ang pag-iwanan ng pagkain at initin kapag lunch time na. Bakit hindi ka na lang bumili dito mamaya?" May halong sarkastiko ang boses niya.
Ngayon ko lang nakita ang server na ito. Mukhang bago siya.
"Ah, gano'n ba? Sorry."
Biglang bumukas ang pinto sa mismong kusina. Isang babae ang lumabas mula roon at kaagad na lumapit sa babaeng kaharap ko. Bahagya niya itong hinila at mahinang nagsalita.
"Len, ano ka ba. Hindi mo dapat sinabi kay miss Sheena 'yon." Naninitang sabi ng kalalabas lang na server. Namumukhaan ko siya, matagal na siya ritong nagta-trabaho ngunit hindi ko alam ang pangalan.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
De TodoSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...