Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim"Mimi. Mimi!" Ang matinis na boses ng aking anak ang umalingawngaw sa aking kwarto isang araw habang nagbabasa ako ng notes namin sa Hum 12.
Agad akong napalingon sa kaniya na noon ay may malawak na ngiti habang hawak ang kaniyang drawing book.
"Look, Mimi," aniya sabay 'tinaas at hinarap sa akin ang isang pahina ng kaniyang drawing book. "I draw our family, Mimi. This is you and dada and Zaiah!" Ang bibo niya habang tinuturo ang dinrawing niya.
Literal akong napangiti sa ginawa ng anak ko. Hindi gano'n ka linis ang gawa niya pero na emphasize niya ang isang pamilya na magkahawak kamay, pinagigitnaan ng magulang ang kanilang nag-iisang anak. Sa drawing niya ay makikitang masayang-masaya sila.
Parang tinunaw ang puso ko. Sa murang edad niya ay nakikita niyang masaya kami kapag magkasama, nagawa pa niyang iguhit.
Hinawakan ko 'yong mukha niya at nginitian siya. "Good job, baby." Lumapit ako sa kaniya para halikan ang pisngi niya. "Now, go back to your room muna. Mimi needs to study, eh."
"Okay, Mimi." Saka siya tumakbo palabas ng kwarto ko.
Nakangiti ko naman siyang sinundan ng tingin.
Bumalik ulit ako sa pagbabasa ng notes. At dahil interesting ang pinag-aaralan ko, hindi ko na namalayan pa ang oras. Saka naghanap din kasi ako ng iba pang references sa internet. Ganito ako kapag interesting para sa akin ang isang topic, naghahanap ako ng iba pang reference sa internet.
-
Tanghali nang makatanggap ako ng text mula kay Shelly.
Sheena, 'lika sa bahay birthday ni Jay. Naghanda ng kunti si nanay.
That's when I remember that today is Jay's 17 birthday.
I replied, "I'll be there."
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa swivel chair sa harap ng study table saka lumabas ng kwarto.
Dumiritso ako sa kwarto ni Zaiah to check her. Naabotan ko sa kwarto niya si yaya na mukhang palabas din ng kwarto.
"Ma'am, katutulog lang po ni Zaiah," aniya.
"Ah, gano'n ba?" Lumapit ako sa kama ni Zaiah. Tinignan ko ang anak ko na payapang natutulog. Hinalikan ko ang noo niya at humarap sa yaya niya. "Aalis ako. Kapag nagising siya at hinanap ako. Tawagan n'yo na lang po ako, Yaya."
"Opo, ma'am."
Lumabas na ako ng kwarto ni Zaiah at dumiritso sa aking kwarto para maghanda papunta kina Shelly.
Nang matapos ako ay ako na mismo ang nag-drive papunta sa bahay nina Shelly. Pagdating ko doon, inabotan ko ang mga bisita na tiyak kong bisita ni Jay dahil kasing edad niya lang ang mga ito.
Nang i-park ko ang sasakyan sa may tapat ng bahay nila, napatingin sa akin ang bisita na nasa labas ng bahay nila naka-upo. Naglagay sila ng iilang upoan at mesa sa labas ng bahay nila.
Akala ko ba ay kunting handaan lang?
Kinuha ko sa passenger seat ang binili kong regalo kanina para kay Jay saka bumaba ng sasakyan. Nakita ko namang lumabas si Shelly mula sa bahay nila at excited akong sinalubong.
"Ahhh! Sheena, akala ko hindi ka darating!" Dinamba niya ako ng yakap nang makalapit sa akin.
Natawa na lang ako sa kaniya. Parang ilang taon lang na hindi kami nagkita. "Nag-reply ako sa 'yo na pupunta ako."
"Ah, gano'n ba? Hehe. Hindi ko na kasi natignan ang cellphone ko dahil busy kami sa paghahanda."
"Akala ko ba ay kaunting handaan lang? Ang dami palang bisita." Tumingin ako sa mga bisita ni Jay na noon ay nagkakatuwaan na sa karaoke.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...