FIFTY-SEVEN

932 17 2
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Hapon ng araw na iyon, dumiritso kaming tatlo sa pinakamalapit na mall. Hindi na kami bumalik pa sa Admin Building at dumiritso na lang palabas ng school at nagtungo ng mall. Wala sa plano ito, ngunit ngayon lang yata ulit kami magkakasamang lumabas. Kaya naman hindi na kami nakapagpaalam kina Mommy.

Hindi maalis-alis ang ngiti sa aking labi habang nag-iikot kami sa mall. Pinagigitnaan namin ni Kenzie si Zaiah na noon ay patalon-talon pa habang naglalakad. Hindi naman halata na masaya siya.

Napatigil kami sa paglalakad nang biglang napatigil si Zaiah na sinundan pa niya ng pagsinghap.

"Mimi, look!" ang tinis ng boses niya saka may tinuro. Sinundan naman namin ang kaniyang 'tinuturo.

Bahagya akong natawa at tumingin sa anak ko.

"Wanna go inside?" tanong ko na kaagad niyang sinagot ng ilang beses na tango.

"Okay, let's go inside."

Nagningning ang kaniyang mga mata kasabay ng pagbilog ng kaniyang mga labi dahil sa tuwa at excitement. Kaagad niyang binitawan ang kamay namin ni Kenzie na hawak niya at naunang tumakbo papasok sa shop na may pangalang 'All about Disney'.

Nagkatinginan kami ni Kenzie at sabay na natatawa at napapa-iling dahil sa reaksyon ni Zaiah. She really loves Disney Princesses. Kaya ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata kanina nang makita ang standee ng mga Disney Princesses sa labas ng shop.

Pumasok na rin kami ni Kenzie sa loob. Pagpasok mo ay kaagad na sasalubong sa iyo ang mga naggagandahan at makukulay na mga merchandise mula sa mga movies ng Disney. May iba't ibang laki, hugis at desinyo na tiyak mapapabili ka. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ang daming tao sa shop ngayon.

"Zaiah," tawag ko kay Zaiah na noon ay tuwang-tuwa na tinitignan ang mga unan na may disenyo at hugis ng mukha ng mga Disney Princesses, dahil sa aliw niya ay wala na siyang pakialam kung naka-upo na ba siya sa malamig na tiles. "Baby, get up. Malamig ang sahig."

Nag-angat siya ng tingin sa akin saka ngumuso. I know that look. Ang mukha na nagsasabing gusto niya ang unan.

I looked at Kenzie with a warning look.  Pero nagkibit-balikat lang siya sa akin na para bang sinasabi na hindi niya kayang hindian si Zaiah. Kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"I'm sorry, Mhie. Promise, last na 'to," sambit niya sa nangungumbinsing tono saka umupo siya sa tabi ni Zaiah.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. He really wants to spoil my child. Madali lang naman kasi ang pakiusapan si Zaiah na huwag munang bilhin ang gusto niya.

"Kapag lumaki ang anak ko na spoiled, nagagalit at kulang na lang magwala kapag hindi nasusunod ang gusto niya, wala akong ibang sisisihin kundi ikaw, Kenzie!" asik ko sa kaniya.

"Mhie, okay lang. Basta ba makasama ko lang kayo habang-buhay, " maagap niyang sagot.

"Ewan ko sa 'yo. Hindi matututo si Zaiah na maging masinop at matututong paghirapang makuha ang isang bagay dahil palagi mong inii-spoil, na isang pagnguso niya lang ay binibigay mo agad ang gusto niya. Oh, eh, ngayon paano siya matututo sa buhay niyan?" Para akong isang Lola na sinesermonan ang kaniyang anak dahil sa inii-spoil nito ang anak.

Tumayo si Kenzie at hinarap ako.

"Mhie, minsan lang naman 'to. Hindi naman palaging inii-spoil ko ang anak ko. Pero sigi, ganito na lang. I will tell her that it is her reward for being good at school. Okay ba 'yon?" malumanay na aniya.

"Eh, ano 'yon? Iisipin niyang reward dahil naging magaling siya sa school. Oh, tapos? Paglumaki siya, gagalingan niya lalo sa school dahil lang sa may reward siyang makukuha for being very good? So anong matututunan niya?" tugon ko sa bahagyang sarkastikong tono.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon