THIRTY TWO

1K 19 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng parang nilalapag na mga babasaging gamit. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata ngunit napapikit din nang sumalubong sa akin ang sinag ng araw.

Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang bahagyang kirot nito. Napatigil ako nang ma-realize na hindi pamilyar sa akin ang kwartong kinaroroonan ko.

"You're awake."

Napalingon ako sa may gilid ko. Halos magsalubong ang aking kilay nang makita si Joros. Ano ang ginagawa niya rito?

"Where am I?" Iyon agad ang lumabas sa aking bibig.

Nakangiti siyang lumapit sa akin at naupo sa kama, kaya napaatras ako. "You're in my room," kaswal niyang sagot.

Dahan-dahang nanlalaki ang aking mga mata kasabay nang pagbabalik ng mga ala-ala. Awtomatiko akong umalis sa kama. Laking pasasalamat ko nang makitang kompleto pa ang aking damit tulad kahapon. Dali-dali kong sinuot ang aking flat sandals. Kinuha ko rin ang aking gamit na nakita ko sa sofa at patakbong tinungo ang pintoan ngunit napatigil ako ng may humawak sa aking braso.

"Sheena, wiat. Where are you going?" Pigil niya sa akin.

Matalim ko siyang nilingon. "What did you do?"

"Nothing. We just sleep together," walang sing kaswal ang pagkakasabi niya, na para bang normal na sa amin ang matulog ng magkatabi.

Kumuyom ang mga kamay ko. Bago ko pa man mapigilan ang aking sarili, dumapa na ang aking palad sa kanyang mukha. Naramdaman ko pa ang panghahapdi nito.

"Where's my daughter?" Malamig kong tanong.

Bahagya siyang natawa habang hinihimas ang pisngi niyang sinampal ko. "She left already."

Kumukulo ang dugo ko. Nanginginig ang mga kamay ko at gusto ko siyang saktan. Galit na galit ako hindi lang sa kanya kung hindi maging sa sarili ko. It's a trap. Wala na rito si Zaiah. Kahapon, 'yong juice ay posibling may halong pampatulog. God, galit na galit ako. Pakiramdam ko sasabog ako sa galit.

"Anong ginawa mo sa 'kin?!" Sigaw ko sa kanya.

"Don't worry, boo. We did nothing but sleep," nakangiti niyang sabi na mas lalong nakapagpagalit sa akin.

"Hayop ka," matigas ko iyong sinabi saka siya tinalikuran ngunit pinigilan niya ulit ako.

"Where are you going? Hindi ka pwedeng umalis dito." Hinarang niya sa harap ko ang sarili niya. Naging seryoso bigla ang kanyang reaksyon.

"Tumabi ka, Joros! Kailangan ko ng umalis!" Tinulak ko siya ngunit hinawakan niya ako para pigilan.

"Sheena, hindi ka pwede umalis dito. Alam kong pupuntahan mo si Kenzie at hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Akin ka lang, Sheena. Kayo ni Zaiah, akin lang kayo at hindi kay Kenzie o nino man!" Nanlilisik ang mga mata niya. Napaatras ako dahil bigla akong nakaramdam ng takot. Parang ibang Joros ang nakikita ko ngayon. Handang manakit para lang mapigilan ako.

"Hindi mo ako mapipigilan!" Sigaw ko ulit at akmang maglalakad nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Aray!" Daing ko sa sakit ng pagkakahawak niya. "Ano ba bitawan mo ako!" Pinilit kong kumawala pero mas lalo lang humihigpit ang hawak niya.

"Hindi ka aalis, Sheena. Hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo ulit." Walang buhay niyang sinabi saka tinulak ako.

Ang kaninang galit ay napalitan ng matinding kaba. Kaba sa maaari niyang gawin sa akin, at kaba na hindi ko maipaliwanag kung para saan.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon